Bumwelta ang ReiNanay contestant na si Marilyn Lagsa sa naging pahayag ni Ruffa Gutierrez sa kaniya.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan at nakatanggap ng mga batikos sa social media si Marilyn Lagsa, isa sa mga contestant ng segment ng Its Showtime na ReiNanay. Ito ay dahil sa kaniyang mga naging kasagutan sa katanungan ng kaniyang ina.

Sa nasabing segment, nakiusap ang ina ni Marilyn na sana ay magbigay siya ng sustento sa kaniya mga anak dahil wala silang pinagkukunan ng pera ngayon dahil nahinto ang kanilang pagtitinda ng buko salad bunsod ng pand3mic.


Dahil sa asawa nina Kim Chui at Vice Ganda sa ina ni Marilyn ay nangako sila na tulungan ito.

Samantala, nang nagbigay naman ng komento si Ruffa dito ay hindi na napigil ng aktres ang kaniyang sarili at sinita ang contestant.

Sambit ni Ruffa sa contestant,

"Alam mo, Marilyn, habang pinapakinggan kita, naha-high blood ako pati si Ate Janice at si Ate Amy. Kasi iniwan mo lang ang mga anak mo sa nanay mo for 10 yrs. na hindi mo sinusustentuhan. Alam kong mahadera kang sumagot kina Vice kanina pero naha-high blood ako dahil maawa ka naman sa nanay mo."


Pinangaralan din ni Ruffa si Marilyn at sinabihan na sana ay kuhanin na ito ang mga anak sa kaniyang nanay.

Ngunit makalipas lamang ang ilang araw matapos umere sa telebisyon ang nasabing episode ay hindi naman napigilan ni Marilyn na maglabas ng pahayag tungkol sa nangyari. Inihayag din niya ang pagkadismaya sa isang judge na nagpahiya sa kaniya.


Ayon pa kay Marilyn, sana umano ay naisip ng nasabing judge na naka-live sila at hindi na sana siya pinahiya pa nito.

Aniya,

"May isang judges na hindi marunong umintindi, pinahiya din po ako! Sana nu’ng time na po na ‘yun, naisip din niya na naka-live po kami. ‘Di rin marunong mag-isip ‘yung judges ho na ‘yun!"


Kahit pa man hindi pinangalanan, paniguradong si Ruffa ang tinutukoy ni Marilyn sa kaniyang mga litanya.