Humihingi ngayon ng tulong sa publiko ang isang matandang lalaki dahil wala na itong makain at maipambili ng kaniyang gamot.
Sa Facebook group na “PARACALE ang bayan ko volunteer group inc.,” ibinahagi ng isa sa mga admin ang mga alrawan ni tatay Rodolfo Aquino kung saan makikita ang kaawa-awang kalagayn nito. Nakiusap din sa mga netizens ang nasabing admin na ibahagi ang nasabing post para mas maraming makapansin sa kalagayan ng matanda at mabigyan ito ng tulong.
Ayon kay Admin Panyer, wala ng asawa si tatay Rodolfo at iniwan na din siya ng kaniyang mga anak. Hindi naman niya binanggit ang dahilan kung bakit siya iniwan ng mga ito.
May karamdaman din daw si tatay Rodolfo akaya naman humihingi ito ng tulong para siya ay makabili ng pagkain at gamot.
Saad ng amin sa nasabing post,
“Isang mapagpalang araw po sating lahat.
“Sya po si Rodolfo Aquino nag iisa lang po sya. walang asawa at iniwan na ng mga anak. Sya po ay taga purok maganda palanas paracale cams norte. Na Minsan na po nating natulongan.
“Ngunit sa muli po ay humihingi ng kaunting tulong dahil sa sya po ay my sakit. Kahit pagkain po at pambili ng gamot.
“Maraming salamat po sa sainyong pag tugon at kahit sa share manlang po matulongan natin.
Pagpalain po tayo ng diyos."
Samantala, marami naman ang nagbigay ng tulong kay tatay Rodolfo. Ang ilan ay nagbigay ng mga pangunahing pangangailangan ng matanda katulad ng bigas, kape, de lata, noodles, at iba pa. May iba na nagbigay din ng kaunting pinansyal na tulong para mayroong pambili ng gamot si tatay.
Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan simula ng mag-viral ang kwento ni tatay Rodolfo ay isang malungkot na balita naman ang ibinahagi na pum4naw na ito. Hindi naman nabanggit sa post ang dahilan ng kaniayang pagp4naw.
Basahin ang kabuuang post:
"Isang mapagpalang araw po sa lahat.
Si Tatay Rodolfo Aquino. Po ay pumanaw na kaninang 4am May24,2021. Sya ay minsan n po nating natulongan.
Ngunit sa huling pagkakataon muli po kinakatok ang ating mga puso para kaunting tulong para sa kanyang bur0l.
Sya po ay sulong buhay walang asawa anak. kaya sa kunting halaga po ay napakalaking tulong na po para sa mga mag aasikaso para sa kanyang libing.
Maraming maraming salamat po.."








0 Comments