Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang post ni Crystalyn Joy Yntela, isang ninang na naghayag ng pagkadismaya sa nanay ng kaniyang inaanak na nagalit pa sa kaniya dahil sa hindi niya naibigay ang P5,000 sa kaniyang inaanak.

Sa Facebook post ni Crystalyn, ibinahagi niya ang screenshot ng conversation nila ng ina ng kaniyang inaanak. Base sa kanilang naging usapan, makikita na hinihingi ng ina ng kaniyang inaanak ang P5,000 na pangako umano ni Crystalyn na ibibigay dito. Sinabihan pa siya nito na puro pasarap lamang ito sa buhay at hindi na inalala ang kaniyang inaanak.

Nang sabihin ni Crystalyn na gipit siya ngayon dahil wala pang sweldo sa kaniyang trabaho, sinabi sa kaniya ng ina ng kaniyang inaanak na wala na siyang pakeelam sa problema nito o sa ibang bagay dahil ang mahalaga ay ibigay ni Crystalyn ang P5,000 na pangako nito sa kaniyang inaaanak.


Sambit ni Crystalyn dito,

"Pasenasa na gipit din kasi ako ngayon wala akong sweldo."

Tugon naman ng ina ng kaniyang inaanak,

"wala na akong pake ron. basta yung pinangako mong limang libo sa inaanak mo. kelangan mo na ibigay ngayon. papakulay ka buhok pero wala kang maibigay sa inanak mo? jusko naman"

Narito ang kabuuang post ni Crystalyn:

"Sana sa susunod wag kayo mag aanak kung iaasa nyo lang din sa mga ninang at ninong yung ipanggagastos sa anak nyo. 🙂 Ayaw ko sana ipost kaso ikaw pa may lakas ng loob na mamblock sakin. Hehe. 🙂

Hanap muna sugar daddy si ninang para may pangsuporta sayo. 😊"

Kaagad naman na nag-viral sa social media ang nasabing post ni Crystalyn at umani ng iba't ibang komento at reaksyon mula sa mga netizens.

Habang sinusulat ang artikulong ito ay umabot na ang nasabing post sa mahigit na 11,000 reactions, 3000 comments, at 9,000 shares ang nasabing post ni Crystalyn.