Ngayon ay tila mas napapalapit pa lalo sa isa't isa sina Derek Ramsay at ang anak ni Ellen Adarna na si Elias sa dating kasintahan ng aktres na si John Lloyd Cruz.

Madalas na din kasi na magkasama sina Derek at Elias, lalo pa at sa bahay na ni Derek nakatira ang mag-ina at mas masaya daw sila ngayon na magkasama sa iisang bubong.

Para kay Ellen naman ay wala namang problema kung live-in muna sila ng kasintahang si Derek para mas lalo pa nilang makilala ang isa't isa.


Marami ang natutuwa sa mga larawan na kanilang ibinabahagi sa social media at pinupuri din si Derek dahil sa pagmamahal at pag-aaruga nito kay Elias. Itinuturing na din ni Derek si Elias bilang kaniyang sariling anak. Kaya naman ang mga negatibong komento at batikos na natatanggap nila noon sa kanilang mga post ay napalitan na ngayon ng mga positibong pahayag mula sa online community.

Pagdating naman kay John Lloyd, sinabi ni Derek na maayos naman ang kanilang relasyon dahil madalas ay hinahatid at sundo ng aktor ang anak sa bahay nila Derek kaya sila ay nakakapag-usap din minsan.

Nagpaabot nga din ng pagbati si John Lloyd sa kanila ni Ellen nang malaman nito na engaged na silang dalawa. Nilinaw din ni Derek na walang isyu at problema sa pagitan nilang tatlo.


Masaya naman si Derek dahil nagkakasundo sila ni John Lloyd para kay Elias.

Si Derek at Ellen ay nagkita sa isang restaurant kung saan nandoon si John Estrada at Ruffa Gutierrez.

Ani Ellen,

"I just met him in person last January. Hindi ko pa siya na-meet before, never pa kaming nagkita in person. When I see his picture, hindi naman sa pangit, gwapo but okay, yun lang. And then when I saw him in person, my jaw dr𝔬pped."

Noong nagkita ang dalawa ay hindi pa handa si Derek na pumasok sa relasyon dahil kakahiwalay lamang nila noon ng kaniyang dating kasintahan na si Andrea Torres.


At makalipas ang dalawang buwan matapos ang hiwalayan nina Derek at Andrea ay kumalat naman ang balita tungkol sa pagiging malapit nina Derek at Ellen sa isa't isa na nagsimula sa isang dinner party na ginanap sa bahay ng Kapuso star.