Si Lovely Abella ay isa sa mga kilalang aktres at komedyante sa Philippine showbiz industry. Siya ay nasa pangangalaga ng GMA Artist Center at GMA Network. 

Ang napakalaking break niya sa GMA Network ay noong nag-audition siya bilang isa sa mga cast member ng noontime weekend variety show na 'Sunday Pinasaya'. Dahil sa potensyal na pagpapatawa, siya ay naging miyembro na ng 'Bubble Gang' at dahil nais niya pang mag-improve, pinasok naman niya ang pag-arte. Siya ay lumabas na din sa ilang mga pelikula.

Ngunit, noong nakaraang taon lamang ay inamin ng aktres na siya ay nag-positibo sa C0VID-19 kung saan ibinunyag niya ang pagkabahala na naramdaman noon at ang labis na pag-iyak dahil sa d3pr3syon matapos matamaan ng naturang v1rus. Gayunpaman, sa kabila ng nangyari ay nanatili pa ding matatag si Lovely at kalaunan ay naka-recover naman siya mula sa C0VID-19.


At sa pagdiriwang ng kaniyang ika-34 taong gulang noong Disyembre 11 lamang, isa sa kaniyang malapit na kaibigan sa showbiz industry na si Alberto 'Betong' Sumaya Jr., ang nagbahagi ng isang nakakatawang video ng aktres noong ito ay nasa Saudi Arabia.

Sa naturang video, makikita ang komedyante na nakaupo sa loob ng Kingdom Tower at nagpapanggap bilang pulubi.


Ayon kay Betong,

"Amazing Birthday sa isa sa mga nilalang na mahal na mahal ko "Givie" sana maappreciate mo itong video na ito noong namamalimos ka sa isang mall sa Saudi."

Pagbabahagi pa ng komedyante na hinati pa umano ni Lovely ang pera na kaniyang nakuha matapos ang pangyayari.

Saad ni Betong,

"Naisahan mo si Daddy Sammy pero di mo ko nakalimutang hatian hehehe, ganun si "Givie" laging mapagbigay sa kapwa kahit minsan gipit din siya. 

"May all your dreams for your family, friends and loved ones do come true syempre pati mga pangarap mo. Lab yu."

Samantala, nag-iwan naman ng komento si Lovely sa naturang post ng kaibigan.

Komento ng aktres,

"Givie salamat p1sti ka pina1yak mo ako! Mahal na mahal kita givie wala akong pinagdasal kundi ang kasiyahan mo."