Don Benjamin Manalo o mas kilala sa tawag na Benj Manalo ay isa sa mga kilalang aktor at dancer sa Philippine showbiz industry. Siya ay nakilala pa ng publiko para sa kaniyang role bilang Pinggoy sa  top-rated prime time series FPJ's Ang Probinsyano. Siya ay gumanap na din sa ilang mga palabas katulad ng 'On the Wings of Love', 'The Story of Us', 'My Super D', at Kadenang Ginto'. Siya ang pangalawang anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo.

Sa kaniyang panayam sa Cabinet Files, ibinunyag ni Benjamin na kailanman ay hindi sila tinulungan magkakapatid ng kanilang ama na si Jose Manalo para makapasok sa showbiz industry dahil nais nitong matuto sila ng sarili nila at makuha ang gusto nila ng talagang pinaghihirapan.

Ayon kay Benj, noong siya ay sumali umano sa StarStruck, hindi umano niya sinabi ito sa kaniyang ama. Nagulat na lamang daw ang 'Eat Bulaga' host nang dumating sa bahay nila ang staff ng StarStruck. Noong una ay inakala pa nga daw nito na iyon ang sundo niya ngunit laking gulat nito na si Benj pala ang hinahanap ng mga staff. 



Dagdag pa ni Benj, ang pagsali niya sa StarStruck ay isang malaking accomplishment para sa kaniya dahil na din alam niya sa sarili niya na hindi siya nag-rely doon o umasa sa pangalan ng kaniyang ama na si Jose.

Nang tanungin kung naisip na din daw ba ni Benj na gamitin ang impluwensiya ng kaniyang ama, sagot niya

"To be honest, siguro mga bandang ano, nung nagtrabaho ako ng call center, noong after ko mag ano, mag StarStruck, nagtrabaho ako sa call center tapos nagsa-salesman ako sa mga department store."



Dagdag niya,

"Humihingi na ako ng tulong sa kaniya noon before, pero lagi niyang sinasabi 'Eh kung gusto mo talaga, gapangin mo mag isa'."

Ayon kay Benj, ang pahayag umano na iyon ng kaniyang ama ang nagiging push o motivation niya sa kaniyang sarili para gawin pa ang kaniyang makakaya. Hindi naman sumama ang loob ni Benj sa kaniyang ama dahil dito dahil mas nakita pa ng aktor ang ginagawa ng kaniyang ama bilang pagtulong sa kaniya na mas galingan pa at ibigay pa ang best niya.


Aniya,

"Siguro not financially nya ako tinutulungan, or connection wise. Pero tinutulungan niya ako in terms of wisdom. So mas chine-cherish ko yun sa dad ko na kung hindi niya ginawa sa'kin yon, hindi ko maiintindihan o kung paano ako maglalaro sa industriya..."