Gulat at labis na kasiyahan ang naramdaman ng aktres at TV host na si Pauleen Luna Sotto matapos niyang mapagtanto na isa na pala siyang Lola sa edad na 32.
Sa binyag ni Sachi, ang anak ng kaniyang step-daughter na si Paulina, muli na namang nagsama sama ang pamilya Sotto at pinagdiwang ng buo ang pagkasilang ng panibagong miyembro ng kanilang pamilya.
Ang naturang binyag ay dinaluhan ng ama ni Paulina na si Vic Sotto, ang kaniyang ina na si Angela Luz, at syempre si Pauleen at Tali.
Sa kabilang banda, si Sachi naman ang naging 'star of the day' ng naturang pagdiriwang dahil lahat ng dumalo ay talaga nga namang pinanggigilan ang ka-cute-an niya. Kahit ang kaniyang auntie na si Tali ay kinailangan pang paalalahan ng ama na si Vic na si Sachi ay hindi manika dahil ang 3-anyos na si Tali ay talagang nais na yakapin ng mahigpit at tadtadin ng hal1k si Sachi.
Samantala, nag-post din si Pauleen ng ilang mga larawan sa kaniyang social media kung saan makikita na buhat niya si Sachi. Pagtapos nito ay nag-upload naman si Paulina sa kaniyang Instagram story ng video kung saan makikita ang aktres na inaalagaan si Sachi. Kapansin pansin din ang pakikipag laro ni Pauleen dito at kinakantahan pa niya ito.
Sa dulong bahagi ng naturang video, tinawag naman ni Paulina ang 'Eat Bulaga' host na 'lola' at tila ba doon lamang napagtanto ng Kapuso star na siya ay isa ng lola sa edad na 32. Matapos ang magtinginan sa isa't isa, nagtawanan lamang sina Pauleen at Paulina at sinabi na talagang nais niyang maging Lola para kay Sachi at sa lahat ng mga bata sa pamilya Sotto.
Samantala, si Angela naman na siyang nag-repost ng Instagram Story ni Paulina ay nagbigay ng maiksi ngunit nakakapagbagbag damdamin na mensahe para kay Pauleen at sinabi na siya ay talagang nagpapasalamat para sa step mom ng kaniyang anak.
Tila napakasaya nga ng buwan ng Nobyembre para kay Vic at Pauleen. Sa loob lamang ng isang buwan, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ika-siyam na anibersaryo, ika-3 kaarawan naman ni Tali at ika 32-kaarawan ni Pauleen.
Kahit pa man naka sailalim pa din ang bansa sa quarantine, nagawa pa din nilang ipagdiwang ang mga special na event na ito kahit sa maliit na paraan lamang.






0 Comments