Si John Estrada ay isa sa mga kilala at hinahangaang aktor sa industriya ng showbiz sa Pilipinas magpahanggang ngayon. Sa husay sa pag-arte at sa kaniyang good looks, hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang humahanga sa kaniya, lalo na ang mga kababaihan.

Siya ay ikinasal sa aktres na si Janice De Belen at sila ay nabiyayaan ng apat na anak na sina Kaila, Inah, Yuan, at Moira ngunit sila ay naghiwalay din at tuluyang na-annulled taong 2004.

Makalipas ang ilang taon, naging ka-relasyon naman niya ang dating beauty queen na si Priscilla Meirelles. Sila ay ikinasal noong taong 2011.



At kamakailan lamang nga ay binigyan ng munting regalo ng dalawa ang kanilang mga fans matapos magbigay ng pasilip sa kanilang Instagram account sa kanilang bahay bakasyunan sa Dasmarinas, Cavite.

Madalas na bumibisita ang dalawa dito kasama ang kanilang 9-anyos na anak na si Anechka tuwing mayroong espesyal na okasyon tulad ng Easter, Halloween, Christmas, at New Year o di kaya naman ay kahit tuwing weekend. Ang naturang bahay bakasyunan din ay mayroong golf course at overlooking view ng orchard na talaga nga namang nakakatulong sa pagre-relax ng dalawa at pagtanggal ng stress.



Paborito din ng pamilya na tambayan ang swimming pool sa kanilang napakalaking bahay kung saan tanaw na tanaw din ang ganda ng kanilang lugar.

Samantala, hindi naman maiwasan ng mga netizens ang mapatanong kung papayagan ba niya ang kaniyang anak na si Anechka na pumasok sa showbiz o di kaya ay sundan ang yapak ng kaniyang ina bilang isang beauty queen. Sinabi naman ni John na kung ano ang nais ni Anechka ay susuportahan nila ito basta't alam niya na tama ang kaniyang ginagawa.



Bumisita na din sa naturang bahay bakasyunan ang anak ni John kay Janice De Belen. Ayon sa aktor, ito ay isa raw sa mga araw na talagang napakasaya niya dahil ito ang pagkakataon na nakaka-bonding ni Anechka ang kaniyang mga ate at kuya.

"I love weekends ... i get to see my kids , my mom, my sister and bro in law, my nephews and niece ... in short we are complete .... God bless everyone ...."