Maraming mga kabataan sa panahon natin ngayon na isinasaalang-alang at nag-iisip ng mga paraan kung paano nila matutulungan ang kanilang mga magulang pagdating sa mga pangangailangan at pagkain para sa buong pamilya sa araw-araw.
Sa murang edad pa lamang, karamihan sa atin ay alam na kung gaano kahirap ang buhay ngunit sila ay nananatiling positibo at bukas sa pag-asa na may kasiyahan sa kanilang mga mukha.
Ang batang babae na ito mula sa Davao City ay ilan lamang sa mga kabataan na maituturing bilang 'selfless' na handang gawin ang lahat ng kaniyang makakaya matulungan lamang ang kaniyang mga magulang. Siya ay nakaisip ng paraan para kumita ng pera para makatulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan sa gitna ng pand3miya. Ang dalaga na ito ay nagbebenta ng mga banana cue sa kanilang lugar.
Ngunit, hindi lamang ang kabutihang loob ng dalawa ang pinuri ng mga netizens kundi maging ang kaniyang taglay na kagandahan. Siya ay walang iba kundi si Yssa Nicole Nengasca.
Sa mga larawan na ibinahagi ni Yssa sa kaniyang Facebook account, siya ay makikitang may hawak hawak na isang bilog na basket o bilao na puno ng mga banana cue na kaniyang ibinebenta. Sinabi din niya sa kaniyang post na siya ay nagpapasalamat sa Panginoon dahil ang banana cue na kaniyang binebenta ay naubos na kaagad sa sandaling oras lamang.
Si Yssa ay madalas na naglalako sa Barangay Dos sa Davao City. Tinitiis niya ang init ng sikat ng araw para lamang makapagbenta at maubos ang kaniyang mga paninda. Ngunit ang kaniyang mga sakr1pisyo at effort ay nagbubunga dahil siya ay kumikita ng pera na kaniyang ibinibigay sa kaniyang mga magulang.
Kaagad na naging viral sa social media ang kaniyang post. Marami sa mga netizens ang humanga pa sa kagandahan ng kaniyang mukha. Ilan naman ang pumuri sa kaniya dahil sa pagiging selfless niya na gagawin ang lahat para matulungan ang magulang kahit sa murang edad pa lamang. Tiyak na proud na proud ang mga magulang ni Yssa sa kaniya.
Nawa'y magsilbing isang inspirasyon si Yssa sa lahat, lalo na sa mga kabataan.


0 Comments