Naalala niyo pa ba si Bojo Molina? Isa siya sa mga hinahangaan at kinagigiliwan natin taong 1990 hanggang year 2000. Siya ang pinakasikat din na aktor noon. 

Naging Bahagi siya ng youth oriented show na GIMIK kung saan nakasama niya si Judy Ann Santos, Rico Yan, G Tionge, Mylene Dizon at Diether Ocampo. Naging katambalan din niya si Mylene Dizon ng maikling panahon. Thurd party din siya ng Loveteam nina Jolina at Marvin. Marami ang humanga sa palabas na ito at naging inspirasyon sa mga kabataan noon.

Ang karera ni Ubaldo Molina Punonbayan Jr. o mas kilala bilang si Bojo Molina, ay naging masaya at matagumpay sa kaniyang naranasang kasikatan. Marami siyang ginawang proyekto at pelikula noong 1990 hanggang taong 2000.



Sa kasagsagan ng kaniyang karera ay kaniyang natagpuan ang kaniyang eex-girlfriend na si Rica Peralejo. Naging matagumpay man ang kinalabasan ng kaniyang karera sa pag-aartista, mas pinili pa rin ng dating aktor na mamumhay ng tahimik sa labas ng mundo ng showbiz.

Matapos iwan ang showbiz, natagpuan naman niya ang kaniyang pag-ibig kay Johansen Kwe, isang non-showbiz personalities. Sila ay nag-migrate sa ibang bansa at masayang namuhay kasama ang kaniyang pamilya. Ayon kay Bojo ang naging dahilan raw kung bakit niya iniwan ang showbiz ay ang kaniyang asawa. Ayaw umano niyang maging magulo ang buhay nito ng dahil sa showbiz. Mas gusto daw nilang mapanatili ang pagkakaroon ng tahimik at pribadong buhay.



Sa ngayon ay masaya silang namumuhay ngayon sa Guam, kasama ang kaniyang buong pamilya. Ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng dalawang anak. Bagamat wala na siya sa mundo ng showbiz, nananatili pa rin nakapublic ang kaniyang Facebook account para sa kaniyang mga tagahangang patuloy na sumusubaybay sa kaniyang buhay.

Siya ay nagtatrabaho ngayon sa Red Dragon Production sa ilalim ng Sorensen Media Group. Masaya ang dating aktor sa buhay na kaniyang pinili kasama ang kaniyang buong pamilya. 



Isa na siyang ulirang ama at nagtatrabaho upang ibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Ang kasikatang kaniyang tinamo noon ay mananatili na lamang alaala. Ngunit higit niyang nakita ang kaligayahan sa kaniyang pamilya at masaya na siyang namumuhay ng tahimik kasama ang mga ito.