Usap-usapan na naman ngayon sa social media ang YouTube vlogger na si Christian Merck Grey at asawa nitong si Pam Esguerra dahil sa muling naglabas ang mga ito ng vlog kung saan ay emosyonal nilang sinabi na bibitawan na nila ang bansag kay Merck na "Makagwapo".
Kamakailan lamang nang pinag-usapan din ang vlog nina Merck at Pam dahil sa pagbabanta ng mga ito sa taong patuloy na gumagamit ng bansag na 'Makaganda" na walang iba kundi si Caffey Namindang.
Saad ni Pam sa kaniyang Facebook post,
"Pina-TRADEMARK NG ASAWA KO ANG MAKAGANDA! (Wala ng ibang pwedeng gumamit ng MAKAGANDA kundi ako lng.) Hindi ko na hahayaan na patuloy pa rin gamitin ang asawa ko para pagkakitaan. Kung sakaling patuloy pa rin itong gagamitin ng iba hindi po ako magdadalawang isip na kasuhan po kayo. Maraming Salamat po"
Ngunit hindi nagpatalo si Caffey sa mga pangbabanta ng dalawa at naglabas din ng kaniyanbg pahayag tungkol dito.
Sinagot ni Caffey ang mga pagbabanta nina Merck at Pam sa kaniya at sinabi na lahat ay may karapatan na gamitin ang bansag na 'Makaganda'.
Dahil dito, tila sinuko na lamang ni Merck ang bansag sa kaniyang 'Makagwapo' upang matahimik na lamang umano ang lahat at upang maprotektahan niya ang asawang si Pam.
Mangiyak-ngiyak naman si Pam habang kino-comfort sa kanilang vlog.
Pahayag ni Merck,
"Mas4kit sakin 'to. Hindi madali para sa akin. Ilang taon ko binuo yung Makagwapo. Ang dami kong pinagdaanan, pangarap ko 'to, nag-umpisa ako sa wala.
"Para sa ikatitigil ng lahat tsaka para sa pag-protekta ko kay baby, hindi ko na gagamitin yung salitang makagwapo. Hindi ko inakalang dadating yung araw na hindi na ako si Makagwapo. Gusto kong ipakita sa lahat na kaya kong mawala ang lahat, wag ka lang."
0 Comments