Usap-usapan ngayon sa social media ang tila personal na alitan ng dating magkatrabaho at matalik na magkaibigan na sina Vice Ganda at Billy Crawford.
Nagsimula ito nang mapansin ng marami na pareho ng naka-unfollow na sa isa't isa ang dating mga co-host ng Its Showtime. Wala namang nabanggit o nababalita ng kahit anong isyu sa pagitan nina Vice at Billy, lalo pa't matagal ng hindi nagsasama ang dalawa sa trabaho.
Dating regular host noon si Billy ng Its Showtime at naging hurado din ng Tawag ng Tanghalan. Ngunit dahil sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN ay nagdesisyon itong lumipat ng TV5 at naging regular host ng katapat na programa ng Its Showtime na Lunch Out Loud para na din sa nag-uumpisa pa lang na pamilya nila ni Coleen Garcia.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay maayos pa ang dalawa dahil noong September 2020 ay nag-guest pa sina Billy at asawa nitong si Coleen sa online talk show ni Vice Ganda.
Sinabi din dito ni Vice na mananatili silang magkapamilya kahit hindi na sila magkatrabaho sa iisang network at programa.
Pahayag ng komedyante,
"Galingan mo sa mga gagawin mong trabaho... Alam mo sa pamilya, diba? Sa pamilya meron naman talagang meron kang kapatid na lilipat ng bahay, pero hindi porke lumipat siya ng bahay eh hindi mo na siya kapatid, hindi mo na siya kapamilya, hindi mo na siya mahal, diba? Maaaring lumipat siya ng bahay pero family pa din tayo. Kaya kahit lumipat ka ng bahay, kahit saan man tayo bahay magpunta, family kita, magkapamilya tayo at mahal na mahal kita, diba?
Samantala, ayon sa ilan ay tila may kaugnayan ang alitan ng dalawa sa gulo sa pagitan ng pinangungunahan nilang programa na Its Showtime at Lunch Out Loud.
Kamakailan lang din nang magbigay sina Direk Bobet at Vice Ganda tungkol sa kanilang hindi pagkakaunawaan.
Gayunpaman, nananatiling tikom ang bibig nina Vice at Billy tungkol sa isyu na pag-unfollow nila sa isa't isa.
0 Comments