Si Romi Pastrana, o mas kilala sa kaniyang screen name na Dagul, ay isang Filipino comedian, actor, at politician.

Ang singer-host na si Randy Santiago ang siyang tumulong kay Romy Pastrana para makapasok sa showbiz noong 1998. Kalaunan ay tinawag siya ni Santiago bilang "Dagul", isang kolokyal na parirala sa Pampanga para sa matangkad o malaki, na sumasalungat sa kanyang maikling tangkad.

Nakilala si Dagul matapos niyang gumanap sa ilang mga pelikula katulad ng "Isprikitik, Walastik Kung Pumitik" (1999), at "Juan & Ted: Wanted" (2000). Mas nakilala pa siya ng publiko nang maging magka-tambal sila ng komedyanteng si Long Mejia sa comic series na "Kool Ka Lang" ng GMA-7 noong 2001.


Marami ang natuwa sa tambalang "Long at Dagul" noon. Gayunpaman, naisip ni Long na lumipat sa ABS-CBN network ngunit kalaunan ay sumunod din naman sa kaniya si Dagul. Naging regular co-host ng show ni Willie Revillame na "Masayang Tanghali Bayan" si Long Mejia habang si Dagul naman ay may ilang mga guest appearance sa nasabing palabas.

Makalipas ang ilang taon ay naghiwalay din ang dalawa. Naging abala si Long sa kaniyang acting carera matapos gumanap sa "Home Alone da River" (2002) at "Home Along Da Airport" (2003). Sa kabilang banda, si Dagul naman ay madalas ng lumabas sa telebisyon. Siya ay naging regular na miyembro ng Goin' Bulilit at naging mainstay ng sitcom na "Ok Fine Whatever" (2003).


Si Dagul ang nag-iisang personalidad na hindi umalis o grumaduate sa children's Sunday gag program na Goin' Bulilit simula nang mag-debut ito. Si Edgar Mortiz, ang direktor ng palabas, ay responsable sa pagbibigay kay Dagul ng regular na trabaho sa pamamagitan ng paglalagay sa kanya sa palabas.

Si Dagul ay idineklarang kagawad ng Barangay San Jose sa Rodriguez, Rizal noong Oktubre 2010 matapos makuha ang pinakamaraming boto para sa nasabing posisyon. Kinampanya niya ang kanyang sarili bilang "The Little Man With a Big Heart" at nangako na magtatayo ng mga childcare facilities at magpapadala ng mas maraming medical workers para sa mahihirap na rehiyon kung siya mahalal.


Ikinasal si Dagul noong Pebrero 2013 at may apat na anak, tatlong lalaki, at isang babae. Maliban sa kanyang nag-iisang anak na babae, na siya ring bunsong anak, walang sinuman sa mga anak ni Dagul ang nagmana ng kanyang dwarfism condition.

Tiyak na maraming pera at ari-arian ang naipon ni Dagul sa kanyang mga proyekto na ginawa sa telebisyon at pelikula, gayundin ang kanyang mga endorsement sa mundo ng showbiz. Ang networth ni Dagul ay iniulat na $1.5 milyon ayon sa ilang source.