Maraming netizens ang natawa sa nakakaaliw na reaksyon ni Luis Manzano sa relasyon ng kaniyang ama na si Edu Manzano at aktres na si Cherry Pie Picache.
Kinakikiligan ngayon ng mga netizens sina Edu at Cherry Pie mula nang aminin ng dalawa sa publiko ang tungkol sa kanilang relasyon.
May ilan na nagsabi na hindi edad ang makakahadlang sa pag-iibigan ng dalawang tao na siyang pinatunayan naman ng dalawang batikang personalidad.
Kaya naman sa panayam kay Luis kay G3 San Diego kasama ang kaniyang asawa na si Jessy Mendiola, siya ay hiningan ng reaksyon tungkol dito.
Nakakaaliw na sagot naman ng TV host-actor na maaari umanong itapat ang relasyon ng ama kay Cherry Pie sa tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Saad niya,
“Feeling ko nga eh kung nagkataon lang na let’s say by next year, kunwari lang, we’re hoping and praying na maibalik and prangkisa ng ABS, feeling ko baka si daddy saka si Tita Pie baka itapat sa KathNiel.”
Kasunod nito, seryoso namang sinabi ni Luis na nakikita niya ang sayang nadarama ng kaniyang ama sa piling ng nobya nito.
Muli din niyang binalikan ang kabaitan ni Cherry Pie nang ito ay makatrabaho niya sa seryeng "Kampanerang Kuba".
Ibinahagi din ni Luis kung paano niya nalaman na mayroon ng espesyal na pagtitinginan ang namamagitan kina Edu at Cherry Pie. Ayon sa kaniya, may nag-send lamang daw ng picture nina Edu at Cherry Pie na magkasama sa kaniya. Nang makausap din niya ang kaniyang ama tungkol dito ay nakita din niya kung gaano ito kasaya.
Ani Luis.
“I think a friend of mine took a picture with them and he sent me a picture. He was with Daddy and Tita Pie. Date night yata sila. So I sent the picture back to Daddy. I said, ‘Uy daddy, happy boy ka.’ Sabi niya, ‘Yes anak, happy’”
0 Comments