Umabot na sa mahigit na 20 million ang views ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) episode na 'The Guy Behind the Black Face Mask' matapos lamang ang dalawang araw mula nang ito say iere sa national television.

Matatandaan na kamakailan lamang ay naging viral sa TikTok ang post ng isang netizen na si Jessa Ba-at sa paghingi niya ng tulong mula sa mga netizens para makita niya ang lalaki na nahagip ng kaniyang video noong siya ay nagpunta sa tiangge sa Marikina.

Makikita sa naturang video ang pagngiti ng lalaki kaya naman lalong na-intriga si Jessica kung sino ito. Kaya naman naisipan ni Jessica na ibahagi ito sa social media sa pag-asa na matutulungan siya ng marami upang makilala ang nasabing lalaki.


Nagkita naman ang dalawa kalaunan sa tulong na din ng programang KMJS. Doon ay napag-alaman ng dalawa na sila ay nagkasama pala sa pageant na parehas nilang sinalihan noon.

Ayon sa lalaki sa video na nakilala sa pangalang Christian, noong panahon na sumali sa pageant ni Jessa ay kasalukuyan siyang may girlfriend kaya hindi siya interesado o nakikipag-usap noon sa ibang babae.


Ngunit ngayon ay pareho ng single ang dalawa ngunit kinikilala muna ang isa't isa.

Umabot na nga ngayon sa mahigit na 20 million views ang nasabing episode na ito ng KMJS. Ngunit, kung marami ang mga netizens na kinilig dito, may ilan naman ang hindi natuwa.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

"Ayyiiii... Kinilig naman ako 😊 .. sana may forever na sa knilang dalawa,lakas ng chemistry nila ☺️ .."

"Why is stalkerish behavior being televised as a positive thing? I would never want to date someone who essentially hunted me down via Jessica Soho. This is creepy stalker behavior and shouldn't be tolerated."

"Stop normalizing stalking and posting people's face without their consent. It's creepy wtf"

"Ang cute. God bless sa inyong dalawa. Thank you for featuring them KMJS, good vibes talaga."