Muli na namang naging usap-usapan sa social media ang mag-amang sina Jeric Raval at Vanessa. Ito ay matapos i-upload ng dalaga ang video nilang dalawa habang nasa bahay.

Si Jeric Raval ay isa sa mga kilala at batikang action star noon sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ngunit, sa kabila ng kaniyang matikas at matapang na karakter sa mga pelikula na kaniyang ginampanan, siya ay isa namang mabait, mapagmahal, at maalagang ama sa kaniyang mga anak sa likod ng kamera. 

Kahit pa man siya ay nagkaroon ng labing walong anak sa iba't ibang mga babae, ginagawa pa din ng aktor ang lahat ng kaniyang makakaya para mabigyan ang mga ito ng pantay na pagmamahal at atensyon.

Sa kaniyang ekslusibong panayam sa PEP.ph, sinabi niya na,

"Ako, bilang ama, masasabi kong wala akong pagkukulang kasi ever since, I'm very supportive sa mga anak ko. 

"Close ako sa mga anak ko, barkada ko 'yan, kalaro ko 'yan, pati mga lalake. Hangga't makakaya ko, ibinibigay ko sa kanila.

"They know each other kaya walang problema."

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Jeric ay napaka hands on sa kaniyang mga anak. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit malapit siya kahit sa kaniyang mga anak na babae kagaya na lamang nina Vanessa at AJ.

Hindi kagaya ng aktres na si AJ, si Vanessa ay mas tutok sa pagti-TikTok. Kakaiba din ang nahihiligang hobby nito kagaya na lamang ng pagmomotor at pagta-tattoo.


Sa video na ibinahagi nito sa kaniyang Instagram account, ipinakita niyta na ipa-prank niya sana ang kaniyang ama sa pamamagitan ng pakikipag-picture dito habang siya ay nakasuot lamang ng bra. Ngunit kagaya ng kaniyang inaasahan nitong reaksyon, kaagad siyang pinagalitan ng aktor.

"Wag naman ganiyan yung bra!"

Sa background ng video, maririnig naman ang tawa ni Vanessa dahil sa reaksyon ng kaniyang ama. Aliw na aliw din ang mga netizens sa pagiging striktong ama ni Jeric sa kaniyang mga anak na babae.