Ibinahagi ng netizen na si Ian Capoquian sa kaniyang Facebook account kamakailan lamang ang isang larawan kung saan makikita ang isang binatilyo na matiyagang nag-aaral sa kalye ng Ermita, Manila kasama ang kaniyang alagang aso na mayroong kagat na maliit na basket sa kaniyang bibig.

Napag-alaman na ang pangalan ng 16-anyos binatilyo ay Eddie Aquino. Siya ay isang grade 9 student. Ang kaniyang kasamang aso naman ay kinilala bilang si Black Jack.

Sa post na ibinahagi ni Capoquian sa kaniyang Facebook post, ang mga magulang umano ni Eddie ay hiwalay na at mayroon itong dalawang kapatid. Ang kanilang nanay ay iniwan sila at mayroon na ito ngayong bagong pamilya. Ang kanilang ama naman ang siyang kasama nila sa bahay ngunit ito ay nanghihina na dahilan para ito ay matigil sa paghahanapbuhay.

Dahil sa hirap na pinagdadaanan ng kanilang buhay, kinailangan ni Eddie na magsumikap at maghanap buhay sa murang edad para matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa araw-araw.

Ayon kay Capoquian, tinitiis ni Eddie ang malamig at maruming lansangan para lamang makahanap ng pera kasama ang kaniyang alagang aso.

Habang si Eddie ay abala sa pag-aaral sa tabi ng kalsada, ang kaniyang aso naman na si Black Jack ay abalang nanlilimos ng barya sa mga taong dumadaan.

Saad ni Capoquian, magkahalong emosyon ang kaniyang naramdaman nang makita ang sitwasyon ng dalawa.


Aniya,

"Saddening but inspiring."

Dagdag pa ni Capoquian, ibinahagi niya sa social media ang kwento ni Eddie sa pag-asa na mas marami ang tutulong dito.

'I want him to study inside a room, a well-ventilated space, with proper lighting and proper learning materials. I want to help him."

Samantala, nagbigay naman ng ilang detalye si Capoquian para sa mga nais magpadala o magbigay ng tulong sa binatilyo.

Hindi naman nabigo si Capoquian sa kaniyang nais na pagtulong kay Eddie dahil marami sa mga netizens ang nag-abot ng tulong dito.