Tila ba hindi na bago para sa atin ngayon ang marinig ang balita tungkol sa mga babaeng artista na nag-agawan ng boyfriend at nag-away dahil sa iisang lalaki. 

Kilalanin natin ang mga babaeng artista na nag-agawan sa iisang lalaki o boyfriend nila sa showbiz:

Dawn Zulueta at Lucy Torres

Sa pag-amin ng aktres na si Dawn Zulueta noon sa isang interview, sinabi niya na maaaring nagkatuluyan sila ni Richard Gomez kung hindi lamang ito naging malapit sa ibang mga babae. Maaalala na na-link si Richard noon sa maraming babae. Ang balita tungkol dito ay kusang nakakarating kay Dawn at paminsan ay nahuhuli niya ang ginagawang pagtataksil ng kasintahan. Ayon sa mga lumabas na balita noon, isang dahilan diuamno kung bakit hindi nagkatuluyan sa tunay na buhay ang Dawn-Richard love team ay dahil sa isang commercial model. Ito nga ay si Lucy Torres na kapareha ni Richard sa isang shampoo commercial.

Nagkaroon ng sariling pamilya ang dalawa. Si Dawn ay napangasawa si Anton Lagdameo at mayroon silang dalawang anak. Sina Lucy at Richard naman ay may isang anak na babae.

Pilita Corrales at Annabelle Rama

Ultimate fan girl goals ang ginawa ni Annabelle Rama para sa pag-ibig niya sa aktor na si Eddie Gutierrez. Hindi kasi nito iniwan at hiniwalayan ang matagal na niyang iniidolo bagkus ay gumawa siya ng paraan para makasama ito habang buhay. Ngunit alam naman na matinik sa babae ang aktor kaya naman marami ang kahati ni Annabelle sa puso ni Eddie noon. 

Matapos ang unang relasyon ni Eddie sa isa pang aktres, nahulog ang loob nito sa singer na si Pilita Corrales. Nagkaroon sila ng anak na si Ramon Christopher na itinuring na din na parang sariling anak ni Annabelle. Sa loob ng mahigit na 40 years, matibay pa din ang pagsasama nina Annabelle at Eddie.

Nora Aunor at Sandy Andolong

Si Nora Aunor ay ikinasal kay Christopher De Leon noong Enero 25, 1975 sa isang civil ceremony. Subalit hindi nagtagal ang kanilang relasyon. Inamin ni Nora na magkasama pa sana sila ni Christopher kung hindi lamang naging matigas ang kaniyang ulo. Nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon at ang isang sanhi ay ang pagkaka-link ng aktor sa aktres na si Sandy Andolong. Nabalitaan na nililigawan ni Christopher noon si Sandy kaya naman naging hindi maganda ang relasyon niya kay Nora Aunor. 

Sina Christopher at Sandy ay mahigit 40 years ng magkasama at may limang anak. Si Nora Aunor naman ay masaya pa din sa piling ng singer na si John Rendez. Nagkaroon naman ng isang biological son sina Christopher at Nora, ang aktor na si Ian de Leon. Sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth naman ay mga adopted children nila.

Heaven Peralejo at Devon Seron

Napabalita kamakailan lamang na ang rason ng hiwalayan nina Devon Seron at Kiko Estrada ay ang kasama ng actor sa seryeng "Bagong Umaga" na si Heaven Peralejo. Hindi naman pinalagpas ni Heaven ang isyu at sinabi na hindi siya romantically associated kay Kiko at hindi siya ang rason ng paghihiwalay ng dalawa. Nilinaw din niya na magkatrabaho lamang sila ni Kiko. Nagsalita din ang ina ni Heaven at sinabi na itigil na ang malisyosong balitang iyon.


Taong 2019 nang kumpirmahin nina Kiko at Devon sa publiko ang kanilang relasyon na tumagal lamang ng dalawang taon. 

Angelica Panganiban at Erich Gonzales

Nabalita noon na hindi naapektuhan ang aktres na si Angelica Panganiban sa naglabasang isyu sa pagli-link sa boyfriend noon na si Derek Ramsay sa aktres na si Erich Gonzales. Subalit kamakailan lamang ay nabuhay muli ang isyu na ito. Sinasabi sa inilabas na artikulo at blind item na pinangalanan, nahuli diumano ni Angelica ang mga ebidensya na naiwan ni Erich sa kwarto ng tinutuluyan nilang bahay ni Derek na balitang live in noon. Nagkatrabaho sina Erich at Derek sa pelikulang "Corazon: Ang Unang Aswang" noong 2012.

Nang hingin ang panig ni Derek tungkol dito, sinabi ng aktor na hindi niya nagustuhan ang paksa dahil matagal na ang kaniyang naging relasyon kay Angelica.

Kung si Angelica ngayon ay masaya sa piling ng businessman boyfriend na si Gregg Homan, maayos din naman ang relasyon ni Erich sa kaniyang businessman boyfriend na si Matteo Lorenzo.

Angelica Panganiban at Ellen Adarna

Halos apat na taon din ang itinagal ng relasyon nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Taong 2015 naman nang mapaulat na nagkakaproblema na ang kanilang pagsasama ngunit 2016 nang ito ay kanilang kumpirmahin. Ang sanhi ng hiwalayan nila ay isang third party. Ang tinutukoy na third party sa hiwalayang ito ay ang s3xy actress na si Ellen Adarna. Ayon kay Angelica, hindi siya pinalitan ni John Lloyd kundi pinilit sirain ng third party ang relasyon niya sa aktor. Sa bandang huli, nagbunga ng isang anak na lalaki ang relasyon nina Ellen at John Lloyd.


Sina Angelica at Ellen ay pareho ding na-in love sa isa pang aktor na si Derek Ramsay.

Marian Rivera at Karylle

Nag-umpisang magkamabutihan sina Karylle at Dingdong Dantes sa set ng "Encantadia" noong 2005. Ngunit hindi nagtagal ang kanilang tatlong taong relasyon at sila ay nagkahiwalay nang dahil sa third party. Inamin ni Karylle na mas nas4ktan siya sa break up nila ni Dingdong dahil maganda ang kanilang naging pagsasama. Ang sanhi umano ng kanilang hiwalayan ay dahil sa partner ni Dingdong sa ginagawa nitong serye noon na "Marimar" at "Dyesebel" na si Marian Rivera. Wala namang naging paglilinaw ukol dito. 


Ngayon ay masaya na silang dalawa sa kani-kanilang buhay may asawa. Si Karylle sa front man ng bandang Spongecola na si Yael Yuzon at sina Dingdong at Marian ay masaya na din kasama ang kanilang dalawang anak.

Nikki Gil at Coleen Garcia

Limang taon ang itinagal ng relasyon ng aktres, host, at singer na si Nikki Gil sa performer na si Billy Crawford. Hindi man inilahad ang tunay na rason ng kanilang hiwalayan, sinabi ni Nikki na hindi niya pinansin ang mga pagkukulang sa kaniya ni Billy. Pati balita tungkol sa third party ay pinalagpas din niya. Naglabasan ang mga balita tungkol sa pagkaka-link noon ng actor-singer sa baguhang aktres na si Coleen Garcia. Itinanggi naman sa mga interview si Billy ukol sa balitang iyon.


Di naglaon ay umamin ang dalawa sa kanilang relasyon. Sila ay nagpakasal din at biniyayaan ng isang anak. Si Nikki naman ay masaya na sa piling ng asawang si DJ Albert at isang anak na lalaki.

Angel Locsin at Bela Padilla

Iisang lalaki din ang naging common denominator para sa mga aktres na sina Bela Padilla at Angel Locsin. Ito ang asawa ngayon ni Angel na si Neil Arce na isang businessman at film producer. Apat na taon ang naging relasyon ni Bela kay Neil subalit hindi ito nagtagal dahil ayon sa aktres ay hindi niya ito mabigyan ng oras at mas pinili ang magtrabaho.


Taong 2018 naman nang kumpirmahin ni Angel sa publiko ang relasyon niya kay Neil. Inanunsyo nila ang kanilang engagement noong 2019 at nakatakda sanang ikasal noong isang taon. Hindi ito natuloy dahil sa krisis sa bansa kaya naman iniusog na lamang nila ito ng 2021.

Kim Chui at Maja Salvador

Matalik na magkaibigan ang mga aktres na sina Kim Chui at Maja Salvador at walang makakapag-isip na isang lalaki ang sisira ng kanilang pagkakaibigan. Taong 2006 noong mabuo ang "KimErald" love team pagkalabas nila sa Pinoy Big Brother. Subalit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon matapos ang apat na taon. Hindi man nag-overlap ang relasyong Maja-Gerald noong kasagsagan ng kasikatan ng KimErald, bahagyang nagkalamat ang pagkakaibigan ng dalawang aktres. Humingi naman ng permiso si Maja kay Kim dahil gustong ligawan ang aktres ni Gerald. Gayunpaman, nagkaroon ng awkward moment sa pagitan nila.


Si Kim ay maayos na ang relasyon ngayon sa aktor na si Xian Lim at si Maja naman ay masaya din sa kaniyang relasyon kay Rambo Nunez.

Bea Alonzo at Julia Barretto

Unang nagkakilala at nagkita sina Bea Alonzo at Gerald Alonzo noong 2010. Subalit hindi nila tinuloy ang kanilang relasyon dahil active pa ang love team ni Gerald sa aktres na si Kim Chui. Lumipas ang ilang taon, nagkita silang muli at nagdesisyon na ibalik ang kanilang naputol na relasyon. Ngunit hindi inaasahan na magkakahiwalay din ang dalawa. Ang rason ng kanilang hiwalayan sa ikalawang pagkakataon ay isang third party sa aktres na si Julia Barretto. Matagal na itinanggi nina Gerald at Julia sa kanilang relasyon kahit marami ang nakakaramdam na nagkamabutihan ang dalawa sa pelikula na "Between Maybes".


Sa unang linggo ng Marso ngayong taon, isang kumpirmasyon ang ginawa ng aktor at sinabi na masaya siya sa piling ni Julia. Si Bea naman ay masaya na ngayon sa piling ng aktor na si Dominic Roque.

Bianca Umali at Kyline Alcantara

Magkasama sa iisang istasyon ngunit pinag-aaway ng kanilang mga fans. Sina Bianca Umali at Kyline Alcantara ay hindi nilayuan ng mga intriga noon na pilit silang pinagbabangga. Naging malaking isyu para sila ay mag-away ay dahil sa kasintahan ni Bianca noon na si Miguel Tanfelix na kasama nila sa serye na "Kambal Karibal" sa GMA-7. Nabalita noon na nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Bianca at Kyline at si Kyline diumano ang third party sa relasyon nina Bianca at Miguel. Itinanggi naman ito ng batang aktres at sinabi na kaibigan lamang niya si Miguel.


Noong nakaraang taon nga ay namataan sa isang mini get together sa nagtapos na Sunday variety show na "Sunday Pinasaya" sina Kyline at Bianca na tila maayos na ang relasyon. 

Si Bianca ang special someone ng aktor na si Ruru Madrid.