Naaalala niyo pa ba ang kilalang actor, matinee idol, at dancer na si Wowie De Guzman? Ito na pala ang buhay niya ngayon!

Si Wowie De Guzman ay ipinanganak noong September 22, 1976. Bago siya nakilala bilang isang aktor at matinee idol noong 90s, nag-umpisa muna siya bilang isang dancer. Isa siya sa mga miyembro ng sikat na male dance group noon na UMD o Universal Mortion Dancer. Malaki umano ang naitulong ng naturang dance group sa kaniya para makilala sa showbiz.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Wowie na sa ABS-CBN sila nag-umpisa. Pinalad umano sila na makilala matapos ang isang audition na kanilang pinuntahan sa naturang network. 


Sa kaniyang taglay na kagwapuhan, kaagad napansin si Wowie at naging paborito ng mga manonood. Mula dito ay nabigyan siya ng pagkakataon na makasali sa ilang proyekto pang-telebisyon.

Ang naging jump start ng kaniyang karera ay nang maitambal siya kay Judy Ann Santos sa pinaka-una nilang tambalan na teleseryeng "Mara Clara" na ipinalabas mula 1993 hanggang 1997.

Naging maganda ang karera ni Wowie mula nang maging ka-loveteam niya si Judy Ann. Bukod sa teleserye, nagkasama din sila sa mga pelikula gaya ng "Muling Ibalik and Pag-ibig", "Paano Ang Puso Ko", "Dito sa Puso Ko", at "Esperanza: The Movie."

Sa isang panayam, ibinahagi ni Wowie na nang pumasok na ang year 2000 ay tila naghanap na ng bagong flavor ang mga fans at dito nga sila ay sinubukan ng i-partner sa iba.


Si Judy Ann bagaman nagkaroon ng ibang ka-partner sa mga proyekto ay patuloy na tinangkilik ng mga tao. Sa puntong ito ay nag-struggle si Wowie dahil tila hindi nagustuhan ng iba ang mga naging ka-partner niya at medyo hindi na din tinangkilik kaya nagdesisyon siyang mag-shift ng karera at sinubukan ang stage play hanggang year 2007.

Matapos nito, sinubukan niya muling umarte sa telebisyon. Hanggang sa nakilala niya ang kaniyang mapapangasawa niya ang kaniyang mapapangasawa na si Sheryl Ann Reyes noong 2011. Ikinasal sila taong 2013. Dito na sana nila magkasamang binubuo ang kanilang mga pangarap bilang isang pamilya. Nagdalang tao si Sheryl Ann at naging maayos naman ang kaniyang pagbubuntis at panganganak. 

Masayang masaya silang mag-asawa dahil mayroon na silang bagong inspirasyon dahil sa kanilang bagong silang na sanggol noon na si Raffa. Pero ito ay naputol dahil ilang buwan pa lamang matapos manganak ni Sheryl Ann, ito ay biglang pum4naw. Malaki ang naging epekto nito sa buhay ni Wowie dahil bukod sa nawalan siya ng mahal na asawa, naiwan siyang mag-isa na tanging nag-aalaga ng kaniyang anak.

Ayon sa kaniya, halos dalawang taon din siyang natigil sa pagtatrabaho upang mag-focus sa pag-aalaga ng kanilang anak na sanggol pa lang noon. Malaki umano ang kaniyang pasasalamat sa mga magulang ng kaniyang asawa dahil sila ang support system niya sa pagpapalaki kay Raffa. Kahit mahirap, sinikap ni Wowie na mag-move on para makapagtrabaho at mabuhay ang kaniyang nag-iisang anak.


Siya ay abala sa pagiging isang zumba instructor. Halos nalibot na niya umano ang buong Pilipinas sa mga bookings. Bago nagkaroon ng pand3miya, naiimbitahan pa siya sa ibang bansa at tila kuntento naman siya sa ganitong gawain dahil naging buhay na din naman niya ang pagsasayaw at ito din ang itinuturing niyang first love sa kaniyang karera.

Kwento ni Wowie, may positibo namang naidulot ang pand3miya sa kaniyang buhay. Ito ay dahil nagkaroon siya ng oras para pag-aralan ang social media at ang pinahabang quality time niya sa kaniyang anak. Mahilig umano silang mag-TikTok na magkasama at naka-upload ito sa kaniyang TikTok account na may 1.,6 million followers.

Para naman sa mga nagtatanong kung bakit nananatiling single si Wowie. Sa isang panayam, sinabi niya na kailangan muna niyang i-guide ang kaniyang anak. Mabilis lang daw ang paglaki ng bata at kung magdedesisyon siyang mag-asawa sa ganitong edad ng kaniyang anak, baka ma-miss niya ang important milestone ng kaniyang anak. Dadating din daw ang panahon na mag-aasawa siya perop hindi pa ito ang tamang panahon.