Kinagiliwan ng mga netizens ang actress na si Yassi Pressman sa kaniyang pag-e-enjoy sa simpleng pamumuhay sa Siargao.
Sa mga larawan at videos na ibinabahagi ni Yassi sa kaniyang mga social media accounts, kapansin pansin ang saya at liwanag sa mata ng actress sa kaniyang bakasyon sa isla ng Siargao sa Surigao del Norte.
Sa isang video na kaniyang ibinahagi sa kaniyang Instagram account, makikita ang actress na tuwang tuwa habang naliligo sa poso.
Makikita din sa nasabing video ang saya at wagas na ngiti ni Yassi habang siya ay nagbabanlaw pagkatapos niyang mag-surfing. Pinasalamatan din ng actress ang mga mababait na lokal ng Siargao.
Saad ni Yassi sa caption ng kaniyang post,
“Buhay probinsya!!!!! The simple things! Salamat po sa mga kapitbahay na pinayagan ako na magrinse sa labas ng bahay nila bago umuwi after magsurf! Hihi lablab.”
Maliban sa pagse-surf, naging memorable din ang bakasyon ng dalaga sa napakagandang isla dahil sila ay muling nagkasama ng kaibigan na si Andi Eigenmann matapos ang mahabang panahon na hindi pagkikita.
Ibinahagi din niya ang ilang larawan na kuha sa surf camp na kaniyang pinuntahan kasama ang ilang local instructors.
Enjoy na enjoy din ang dalaga sa kaniyang pagmomotor habang malayang nililibot ang isla.
Kinagiliwan din ng mga netizens ang kaniyang paglalakbay sa tabing dagat at pagkahilig niya sa mga aso doon.
Marami din ang humanga sa actress dahil sa kaniyang pagiging simple at humble.
Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:
"it’s really the simple things ❤️ this makes me so happy, to see you still very down to earth after all these years 🥰🦋"
"Yun oh! you're so simple talaga yassi 😍"
"Hahaha c kuya abot hanggang langit ang tuwa nya🥰🥰🥰"
"❤️❤️❤️mabait talaga c kuya Jolan..idol so ganda mo kahit naliligo❤️☺️"
"❤️❤️❤️mabait talaga c kuya Jolan..idol so ganda mo kahit naliligo❤️☺️
0 Comments