Muli na namang nakatanggap ng paghanga at pagpuri mula sa mga netizens si Scarlet Snow Belo dahil sa ipinakita niyang kabutihang loob sa murang edad.

Sa bagong upload ng kaniyang mommy na si Dra. Vicki Belo sa kaniyang YouTube channel, naisip niya na gumawa ng sariling version na "Saying YES for 24 hours Challenge" na usong content ngayon sa YouTube.

Sa kanilang version, mayroong 24 hours si Scarlet para hilingin ang lahat ng kaniyang gusto at puro "YES" lamang ang magiging sagot ng kaniyang mommy na si Vicki at daddy na si Hayden Kho.



Ngunit sa halip na laruan at ibang bagay na nakakapagpasaya sa isang bata ang kaniyang hilingin, naging kakaiba ang request ni Scarlet sa kaniyang mga magulang.

Marami sa mga netizens ang naantig at humanga kay Scarlet dahil imbes na gamit o laruan para sa kaniyang sarili ang hilingin, mas pinili na mamigay ng 30 hamburgers sa mga taong nangangailangan ng pagkain sa lansangan.



Paliwanag ni Scarlet,

“I thought of that because, before, there was one person in the street holding a sign ‘H𝐸LP I NEED FOOD’."

Ibinihagai din ni Scarlet ang isang kapitbahay nilang lalaki noon sa Paris na binibigyan din nila ng pera at pagkain.



Maliban diyan, humiling din si Scarlet sa kaniyang mga magulang ng alagang aso.

Samantala, marami ang nagpahayag ng kanilang paghanga kay Scarlet dahil sa kabuting loob nito sa kaniyang murang edad.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

"Dra. Vicki is so blessed. She has almost everything. She’s such a good parent to Scarlet. Excellent parent both of you. She’s growing up so well. ❤️ You’re an ideal parent young at heart 💜 💜💜"



"scarlet’s knowledge is way beyond her age. God has really undeniably blessed this family."

"Have you noticed Scarlet always saying please! She is smart and humble one. Stay as sweet and kind Scarlet. You will be blessed more."

"Salute to Scarlet, she did not ask for material things. I thought she would ask to buy anything she wants."