Umantig sa mga netizens online ang kakaibang cake na gawa ng isang nanay para sa kaarawan ng kaniyang anak na lalaki.

Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang "niluyang cake" na gawa ng isang nanay para sa kaarawan ng kaniyang mahal na anak.

Labis na humanga naman ang mga netizens dahil sa effort ng nanay nang sa gayon ay mayroong cake na maihanda para sa kaarawan ng kaniyang anak. 

Naantig din ang mga netizens dahil nararamdaman nila ang pagmamahal na mayroon ang ina para sa kaniyang anak na sa kabila ng hirap na pinagdadaanan nila sa buhay ay nakaisip pa din ng paraan si nanay Leah mula sa Maasin, Southern Leyte para maipaghanda ng cake ang anak.

Aminin man natin o hindi isa ang cake talaga sa hindi nawawala sa handaan, lalo na kung nagdiriwang ng kaarawan. Bilang isang bata, ang cake na din ang sumisimbolo sa kanilang kaarawan at nagdudulot ng labis na kasiyahan sa kanila.

Ito marahil ang dahilan din kung bakit naisipan ni nanay Leah na gumawa ng cake para sa anak.

Ang batang si Lixter ay ipinagdiriwang ang kaniyang ika-11 na kaarawan kaya naman gumawa ang kaniyang ina ng cake gamit ang saging para maging masaya pa din ang kaarawan nito.

Isang surpresang niluya o nilupak na cake ang ginawa ni nanay Leah para kay Lixter.

Samantala, sa caption naman ng post ni nanay Leah ay binati niya ang kaniyang anak at tanging hiling niya para dito ay malakas at malusog na pangangatawan.

“Happy birthday dong, hinaot unta nga tagaan paka ug kabaskog sa lawas ug kaon na ug tuda aron manambok na hehehe hinaot unta mahurot ng akong hinimo na nilosak cake nemu hahaha gikapoy raba jud ko ug lusak ana dong hahaha. I love you”

[Happy Birthday dong, sana bigyan ka pa ng malusog na pangangatawan at sana kumain ka ng marami para tumaba ka hehehe sana rin maubos ‘yang niluyang/nilupak cake na gawa ko hehe napagod kaya ako sa paggawa niyan dong haha. I love you.]

Sa nasabing post ni nanay Leah, makikita ang cake na kaniyang ginawa. Marami sa mga netizens ang na-appreciate ang cake na gawa ni nanay Leah dahil kahit simple lamang ito ay may kasama naman itong pagmamahal.