Hinahangaan ngayon sa social media ang isang dakila at masipag na ama dahil kahit naglalako ng kaniyang paninda ay buhat pa din niya ang kaniyang isang taong gulang na anak.

Sa mga larawan na ibinahagi ng netizen na si Jam Perry Branch, makikita ang 30-anyos na tatay na si Richard Paclibare na kahit nahihirapan at nabibigatan ito sa kaniyang sitwasyon ay kinakaya pa din niya para sa kaniyang anak.

Ayon kay Jam, wala umanong mag-aalaga sa maliit na anak ni tatay Richard kaya naman karga-karga niya ito sa kaniyang paglalako. Sa halip na walang kitain sa araw na iyon ay na napagdesisyunan na lamang niya na dalhin ang kaniyang anak para maalagaan ito at kumita din siya.


Si tatay Richard ay mag-isa na lamang na nagtataguyod sa kaniyang anak dahil iniwan na sila ng ina nito. Wala na din siyang komunikasyon dito kaya naman hindi niya alam kung nasaan na ito.

Tanging paglalako ng taho ang pinagkakakitaan ni tatay upang matustusan ang pangangailangan nila sa araw-araw.

Si tatay ay mayroon naman daw kapatid na maaaring magbantay sa kaniyang anak ngunit minsan ay may kailangan din gawin ito.

Sa mga larawan, makikita na mabigat ang dala ni tatay habang ang kaniyang anak ay nakapasan sa kaniyang likod. 


Labis naman siyang hinangaan ng mga netizens dahil sakaniyang katatagan at mabuting ama para sa kaniyang anak.

Naisipan naman ni Jam na i-post ang kwento ni tatay sa social media upang sila ay matulungan. Hindi naman nabigo si Jam dahil maraming netizens ang kaagad na nagpaabot ng tulong kay tatay matapos mag-viral ang kaniyang kwento.

Bukod sa mga indibidwal, nagpaabot din ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Binangonan sa mag-ama.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang natuwa at humanga kay tatay Richard dahil sa kaniyang pagiging responsable at dakilang ama sa kaniyang anak.