Natatandaan niyo pa ba ang dating child stars na si Janella Denise Yuson Guevara o mas kilala bilang Ella Guevarra? Unang nakilala ng publiko si Ella nang sumali siya sa talent search ng Kapuso network na "Starstruck Kids" noong 2004 kung saan siya ay napabilang sa Top 4.
Nakasama niya sa kaniyang batch noon sina JM Reyes, Gabriel Roxas, Sam Bumantay, Shamel Leask, Sandy Talag, Miguel Tanfelix, Kurt Perez, Paul Salas, Bea Binene, at marami pang iba.
Kahit pa man hindi nasungkit noon ni Ella ang maging grand winner sa nasabing kumpetisyon, naging sunod-sunod naman ang kaniyang mga proyektong ginawa sa telebisyon at pelikula.
Sa murang edad ay ipinakita na niya sa publiko ang husay niya sa pag-arte kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang humanga sa kaniya. Siya ay nakatanggap din ng mga awards katulad ng Best Child Performer para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2004, Most Popular Child Actress sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards noong 2005, Best Child Actress of the Year sa Famas Awards noong 2006, at Most Popular Child Actress sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards noong 2007.
Siya din ay kinilala noon bilang isa sa pinakatanyag na child actress sa kaniyang henerasyon.
Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng isang matagumpay na karera, napagdesisyunan ni Ella, ngayon ay 23-anyos, na talikuran ang kaniyang karera sa showbiz upang pagtuunan ng pansin ang kaniyang pag-aaral ng kursong Bachelor of Arts in Multimedia Studies sa University of the Philippines.
Samantala, noong 2018 naman ay nagkaroon ng reunion ang batchmates ni Ella sa Starstruck Kids matapos ang labing apat na taon nilang hindi pagkikita.
Ilan lamang sa mga dumalo ay sina Paul Salas, Miguel Tanfelix, at Bea Binene na hanggang ngayon ay aktibo pa din sa showbiz. Kasama din sa kanilang reunion sina Shame Leask, Sandy Talag, JM Reyes, at Gabriel Roxas.
Samantala, marami pa din sa mga taga hanga ni Ella na babalik siya sa showbiz at ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan kahit pinili na niya ngayon ang tahimik na buhay.
0 Comments