Usap-usapan ngayon sa social media ang balita na namanhikan na umano ang aktor na si Dennis Trillo sa pamilya ng kaniyang girlfriend na si Jennylyn Mercado.
Matatandaan na kamakailan lamang ay kumalat ang spekulasyon na buntis umano ang Kapuso star. Ito ay matapos lumabas ang balita tungkol sa pagdating umano ng isang ambulansya sa kanilang lock-in taping para sa programa na "Love. D!e. Repeat" at sinundo umano ang actress dahil saisang emergency.
Lalo pang umugong ang balita sa pagbubuntis di umano ni Jennylyn matapos nitong mag-post sa kaniyang Instagram accoung kung saan naka-tag ang isang maternity clothing brand. Ang nasabing post ay tungkol sa pagpapahayag ni Jennylyn ng kaniyang pasasalamat sa event stylist na si Gideon Hermosa para sa kanilang bagong Christmas Tree.
Marami tuloy sa mga netizens ang hindi mapigilan na maging excited at masaya para sa magiging announcement ng actress at ng kaniyang longtime boyfriend na si Dennis.
Sa isang Instagram post din ng batikang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis, ibinahagi niya ang nararamdamang saya para kay Jennylyn dahil nahanap na niya ang tunay na pag-ibig. Saad pa ni Lolit sa kaniyang post na nararapat lamang na nasa tabi ni Jennylyn ang kasintahang si Dennis at manindigan sa desisyon na kanilang ginawa.
Ani Lolit,
“Kung tutoo iyon nabalita at nabasa ko na namanhikan na mga parents ni Dennis Trillo kila Jennylyn Mercado, ang saya , Salve.“
Dagdag niya pa,
“Kasi nga hindi naman siguro gugustuhin ni Jennylyn na sa pangalawang pagkakataon ay wala parin sa tabi niya. Ang lalaking mahal niya para makasama sa exciting stage ng buhay niya bilang babae. Jennylyn Mercado deserves the love and care ng tao na mahal niya na pinagkatiwalaan niya.
“Dapat talagang nasa tabi niya ito para suportahan siya at manindigan sa desisyon ginawa nila."
0 Comments