Hindi maipagkakaila na isa si Kristine Hermosa sa mga kilala at hinahangaang personalidad sa showbiz industry. Sa kaniyang mestisang ganda at talento sa pag-arte ay hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang humahanga at iniidolo siya.
Sa murang edad ay pinasok na ni Kristine ang mundo ng showbiz. Marami na ding siyang mga endorsements, commercial photoshoots at proyekto na nagawa sa ilang taon niya sa entertainment industry.
Siya ay mas nakilala ng publiko sa kaniyang role sa pelikula na "Enteng Kabisote" kasama ang TV host na si Vic Sotto. Doon din nakilala ni Kristine ang kaniyang asawa na si Oyo Sotto. Matapos ikasal, napagdesisyunan ng actress na lisanin na ang showbiz industry upang pagtuunan ng pansin ang kaniyang pamilya.
Dahil hindi na aktibo sa showbiz si Kristine ngayon, tanging sa mga post na lamang niya sa kaniyang mga social media accounts nakakakuha ng update ang kaniyang mga fans tungkol sa kaniya at sa kaniyang buhay pamilya.
At kamakailan lamang nga ay ibinahagi ni Kristine ang kaniyang ika-38 na kaarawan at ipinakita din ang cheesy photos nila ng asawang si Oyo kasama ang kanilang limang anak.
Saad ni Kristine sa caption ng kaniyang post,
“12 yrs ago…same day today…I thank the Lord for guiding us through – 38 grateful years #birthdaykopo…”
Sa nasabing mga larawan, makikita na blooming na blooming pa din ang actress kahit ito ay mayroon ng limang anak.
Dinagsa naman ng pagbati ang post ni Kristine mula sa mga netizens at malalapit niyang kaibigan.
Samantala, nagbigay din ng sweet message si Oyo para sa kaniyang mahal na asawa.
Saad ni Oyo sa ibinahagi niyang selfie ng asawa,
“Sa aming ilaw ng tahanan, maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa amin. Mahal na mahal ka namin khsotto… Maligayang Kaarawan! Mahal kita.”
0 Comments