Hindi napigilan ng aktres na si Ivana Alawi na maging emosyonal matapos mapag-usapan ang tungkol sa karamdaman ng kaniyang kapatid na si Mona Alawi na matagal na nitong iniinda.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na may iniindang Type 1 di4betes ang dating child star. Sa edad na walo, mayroon na itong s4kit at nag-i-insulin na. May pagkakataon pa nga na siya na mismo ang nag-i-inject nito sa kaniyang sarili.
Sa panayam kay Ivana ng talent manager na si Ogie Diaz, ibinahagi ng actress na hanggang ngayon ay naghahanap pa din sila ng mas better na treatment para kay Mona.
Saad ng actress,
“Minsan nga sinasabi ni Mona, ‘Ate tama na. Ang mahal nito, ang mahal ng ganyan’. Sabi ko, ‘Mona, kaya nga ako (nagtatrabaho) because I want to give you the best’.
“Bakit pa ako nagtatrabaho kung hindi ko naman ibibigay sa pamilya ko.”
Saad ni Ivana, hindi niya kailangan ng pera at handa niyang ubusin lahat ng meron siya ngayon para lamang sa kalusugan at kapakanan ng kaniyang buong pamilya.
Aniya,
“That’s what inspires me. Mona, my mom, my brother, my sister.”
Naniniwala din si Ivana na gagaling ang kaniyang kapatid balang araw. Ngunit inamin niya na minsan ay hindi mapigilan na malungkot o di kaya ay maiyak sa tuwing nakikita niya ang kaniyang kapatid na nahihirapan sa s4kit nito.
Pagbabahagi niya,
“Umiiyak na lang ako. Sabi ko ‘Mona, lumaban ka!’ Kasi minsan may mga time na pinanghihonaan siya ng loob, na parang puro sakit. Everyday, all she feels is pain.”
Lagi din daw niyang sinasabihan ang kapatid na lumaban. Sinabi ni Ivana na kung sakali man na iwan siya nito ay mawawala na ang masayahin at kwelang Ivana dahil hindi siya makaka-move on sa pagkawala nito.
Si Mona ay naging artista at nakilala sa mga teleserye na 'Munting Heredera", "Aso ni San Roque", at "Luna Blanca."
Mayo 2021 naman nang ibinahagi nilang magkapatid ang tunay na dahilan kung bakit minsan ay wala si Mona sa mga vlogs ng actress.
Si Mona kasi ay na-diagnose ng diabetic neuropathy, isang uri ng nerve damage sa mga may s4kit na di4betes. Nangyari ito dahil nanibago ang kaniyang katawan matapos ma-control ang kaniyang sugar levels.
Sa ngayon ay maayos naman na ang kalagayan ni Mona dahil ito ay madalas ng nakakasama sa mga vlogs ng kapatid.
Samantala, sinabi naman ni ivana sa nasabing panayam na nagiging normal na muli ang kalagayan ng kaniyang kapatid nang magpa-blood test ito.
Mensahe ng actress sa mga taong may pinagdadaanan lalo na ngayong pand3miya,
“Never lose hope because marami tayong pinagdaraanan and itong pand3mic, isa ito sa mga struggles natin that we will overcome and we will become stronger."
0 Comments