Hinahangaan ngayon sa social media ang dalawang pulis na ito na binigyan ng makakain ang isang bata matapos makita na kinakain lamang nito ang kanilang mga tira-tirang pagkain sa isang kainan at sinabi din ng mga ito sa bata na puntahan lamang sila sa kanilang presinto kung ito ay nagugutom pa.
Hindi maipagkakaila na marami sa ating mga Pilipino ngayon ang pangit at masama ang pagtingin sa mga kapulisan dahil sa mga il3gal at masam4ng bagay na ginagawa ng ilan sa mga ito na nakakasira sa kanilang hanay. Kaya naman sila ay mainit ngayon sa mata ng kasalukuyang gobyerno na naglalayon na linisin ang kanilang ahensya.
Gayunpaman, sa kabila nito ay mayroon pa din namang mga pulis na buong puso na naglilingkod hindi lamang sa bayan kundi pati na rin sa mga mamamayan.
Kagaya na lamang ng viral post ni Joice Hernandez Uy. Nasaksihan at nakuhanan niya kasi ang kabutihang loob na ipinakita ng dalawang pulis sa isang bata na kinakain na lamang ang kanilang mga tirang pagkain sa isang kainan.
Ayon kay Joice, siya umano ay nasa isang kainan kung saan din kumakain ang dalawang pulis nang biglang may isang bata umanong lumapit sa mga ito at hinihingi ang kanilang mga tirang pagkain.
Hindi naman daw nagdalawang isip ang dalawang pulis na i-order ng pagkain ang bata para ito ay makakain ng maayos. Bukod pa diyan, sinabihan din ng dalawang pulis ang bata na pumunta lamang ito sa kanilang prisinto kung ito ay nagugutom pa.
Marami naman sa mga netizens ang humanga sa kabaitan at kabutihang loob na ipinakita ng dalawang pulis para sa bata.
Narito ang kabuuang post:
"Shout out sa 2 pulis caloocan. Kaya pala ko dnala ng tapsilugan ng maaga. Para makita na may mabait pang pulis.
Maliit na bagay. Pero good job.. My batang nang hingi ng tira nila. Pinakain panila. Inorderan ng gusto .Tas tnong ok naba yan.
Pag nagugutom ka punta ka sa prisinto ha. Galing. Sana all. Maliit na bagay at halaga pero nakakatuwa pag masdan. Wlang maaus na pic.
Nhiya ako. Kaya simple lng."




0 Comments