Ilang linggo na ang nakakalipas simula nang pumutok ang isyu sa social media tungkol sa kontrobersiya na kinasangkutan ng couple vlogger na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala sa kanilang tambalan na JaMill.

Matandaang na noong nakaraang linggo lamang ay naging laman ng usapin sa social media ang JaMill. Ngunit ilang araw lamang matapos manahimik ang bawat kampo na sangkot sa isyu, may mga lumabas naman na panibagong kontrobersiya tungkol naman umano sa pangbababae ni Jayzam na umabot pa nga sa programa ni Raffy Tulfo na "Raffy Tulfo in Action."

Isa si Nyca Mae Bernardo na nag-aaral sa Bulacan State University sa mga naging third party diumano ng male vlogger.



Napag-alaman na si Nyca ay tumakbo pala bilang Presidente ng kanilang campus ngunit siya ay natalo ng competing party.

Sa Twitter, isang cryptic message naman ang ipinost ni Camille na sinasabi na "karm4" umano ang nangyari.



Todo suporta naman ang ibinibigay ng mga supporters at fans ng JaMill at may mga nag komento pa nga na kinausap umano niya ang kaniyang mga kaibigan sa BulSu upang huwag iboto si Nyca sa posisyon na tinatakbuhan nito.

Kaagad naman dumepensa ang kaibigan ni Nyca na si Leo Ocampo at ipinagtanggol ang dalaga sa Facebook.



Ipinost niya ang mga screenshots sa Twitter pati na din ang kanilang naging pag-uusap. Inilabas din niya ang mga conversations nina Nyca at Jayzam. Maging ang mga screenshots ng coversation ni Nyca kay Dambie Tensuan, ang isa pa na naging third party diumano ni Jayzam at kasama niyang nagreklamo sa Raffy Tulfo in Action.

Sa conversation, sinabi ni Nyca na siya ay wala naman talagang balak na magpa Tulfo ngunit siya ay naudyukan ni Dambie.


Samantala, sa kanilang pag-uusap naman ni Jayzam, makikita ang male vlogger na ito mismo ang may kagustuhan sa dalaga.