Lahat ng magulang ay gustong magkaroon ng maayos na buhay ang kanilang mga anak. Kaya naman todo bigay sila ng pangaral at sermon sa kanilang mga anak sa tuwing mayroong mga bagay na ginagawa ang mga ito na hindi maganda, lalo na sa kanilang kapwa.

Katulad na lamang ni Jon Gutierrez na nakatanggap ng sermon mula sa kaniyang ina.

Matatandaan na nitong mga nakaraang araw lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isyu ng vlogger na si Jon Gutierrez o mas kilala din sa tawag na King Badger. Ito ay dahil sa panloloko umano muli na ginawa nito sa kaniyang asawa na si Jelai Andres.


Hanggang ngayon nga ay patuloy pa din ang patutsadahan nina Jelai at Jon sa isa't isa sa social media. 

Ngunit kahit pa man hindi pa sinasabi ni Jelai kung sino ang third party ngayon ng asawa, maingay ang usap usapan sa social media kung sino ito.


Katulad ng karamihan, maging ang ina din ni Jon na ngayon ay nasa ibang bansa ay hindi din natuwa sa ginawa ng anak.

Bilang isang ina, nais niya na magkaroon ng maayos na buhay ang kaniyang anak at magkaroon ng sariling pamilya.

Sa latest vlog ni Jon, hindi na napigil ng ina ni Badger na maging emosyonal sa kanilang naging pag-uusap thru video call. Hindi niya alam na ang kanilang usapan ay naka record pala.


Lingid sa kaalaman ng lahat, ang nanay ni Jon ay isa sa mga pumigil sa naging kasal ng kaniyang anak dahil alam niya mismo sa kaniyang sarili na hindi pa handa ang rapper na mag-asawa.

Aniya,

"Mali yang ginawa mo. Kahit hindi mo sabihin sa akin nag lahat, pero nanak!t ka ng tao."

Dagdag niya pa,

"Gusto mo mag-asawa, gusto mo gumawa ng sarili mong pamilya pero ikaw din ang sumis1ra."

Hindi din napigilan ng ina ni Jon na maiyak dahil sa mga pangyayari at nais muna sanang pauwiin sa kaniya ang vlogger sa United Kingdom.