Noong Marso 31 lamang ay ginulat ng aktor na si Eric Fructuoso ang mga netizens matapos niyang ibahagi ang kaniyang larawan bilang parte ng selebrasyon para sa kaniyang ika-44 na kaarawan.
Hindi katulad ng ibang mga personalidad na ibinabahagi ang kanilang larawan kasama ang kanilang cake o mga natanggap na regalo, ibinahagi ni Eric ang kaniyang larawan kung saan ipinapakita niya ang nakasulat sa kaniyang likuran.
Ang tanging nais lamang ni Eric kapag siya ay sumasakay sa motorsiklo ay ang kaniyang puti at pulang helmet. Sinabi niya sa isang exclusive interview sa Cabinet Archives na ang kaniyang larawan ay may kinalaman sa pagsasabi ng kaniyang adbokasiya para sa kaniyang espesyal na araw.
Aniya,
"I was born nak3d and I wanted to celebrate the same way. Good vibes lang."
Kahit pa man ang ilan ay binabatikos siya dahil sa kaniyang larawan na tila sc4nd4l0us, lalo na ito ay ibinahagi pa niya noong Holy Wednesday, sinabi ni Eric na wala siyang nakikitang mali sa kaniyang ginawa.
May ilan mang netizens ang nagulat para sa kakaibang selebrasyon ni Eric sa kaniyang kaarawan, siniguro pa din niya na hindi siya gagawa ng eksena sa lugar kung saan kinuha ang larawan.
Saad niya,
"Wala naman nabulab0g. Mas nabulab0g ang mga sasakyan sa kalye. Ang staff ko ang photographer. Mabilis lang, baka magkabanggan ang mga sasakyan."
Samantala, umani naman ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens ang tungkol sa nasabing kontrobersiyal na larawan.
Narito naman ang ilan sa komento ng mga netizens:
"Good phylosophy. You were born nak3d so live all thru the years nak3d until you finally brought to your resting place 6 feet under the ground."
"Tama k nmn jan,mu were born nak3d pero diba dapat nakaharap 😂"
"Woww..sayang blurred. Dapat sana kuya I was born nak3d but blurred."
0 Comments