Sa kabila ng mga problema at pagsubok na kinakaharap natin ngayon, nakakalungkot lamang isipin na may mga tao pa din na pinipili na lokohin o lamangan ang kanilang kapwa.

Nitong mga nakaraang linggo lamang, usap-usapan sa social media ang tungkol sa mga food delivery riders na nabib1ktima ng m0dus na tinatawag na 'fak3 booking' kung saan ang mga customer ay oorder ng maraming pagkain ngunit kapag sila ay tinawagan na ng rider, minsan ay hindi nila ito sisiputin o di kaya naman ay maling number ng cellphone at address ang kanilang ibibigay.

Sa post na ibinahagi ni SheMae Ilano sa kaniyang Facebook account noong Sabado, April 3, makikita ang larawan ng iba't ibang mga food deliver riders at mga pagkain na in-order ng customer na ginamit ang address ng kaniyang kapitbahay.


Kahit pa man tama ang address na ibinigay ng customer, sinabi ni Ilano na wala namang in-order na kahit ano ang mga tao na nakatira doon.

Aniya sa caption ng post,

"Bakit may mga taong walang pus0? Ngayong Pand3mic at Semana Santa pa talaga.

Total of 20 na couriers at madami dito ay ang "Grab" ang pumunta sa address ng kapitbahay namin pero hindi sila umorder ng food at iba pa. Imagine 20 tao na may pamilya ang niloko ng isang tao na walang magawa sa buhay?! Itong tao na nakita namin worth of P4,500 ang order sa kanya hinang hina at natutulala si kuya sa ginawa ng tao na iyon. Nag tulong tulong kami magkakapitbahay na mabili mga food kase kawawa naman si kuya grab driver."

Mabuti na lamang daw at mayroong mga mabubuting puso ang nagtulong tulungan para bilhin ang mga pagkain.

"Hinarang ko ung pang 16 Mcdo Shake na Grab ang orders sa kanya na 30pcs na1yak na si kuya at nanginig kase matutunaw ung inumin buti me mabuting tao na kamg anak namin ang pinakyaw at pinamigay sa mga kapitbahay."

Sa parehas na post, sinabi ni Ilano na umabot sa P15,000 ang kabuuan ng na-order ng nagpanggap na customer mula sa iba't ibang mga food establishments.


"Yung pang 17-20 na riders, worth of 5k na pizza, 5k worth of lechon meals, 5k worth of Popeyes Food. Grabe nanginginig na at um1yak na mga riders sa pangyayari. Pati ako di ko na kinaya sik1p ng dibdib ko.

Buti may mga bumili na kamag anak ko at mga kapitbhay buong street na naawa sa mga riders.

Nareport ko na din po ito sa grab po at naayos na po nila i ban ung number po. Kaso gumagamit sya ng ibat ibang numbers."


Ayon sa ulat, nai-report na umano sa Grab ang cellphone number na ginamit sa fak3 booking ngunit nagagawa pa din nitong umorder dahil sa pagpapalit ng number.

Saad ni Ilano, ginamit umano ng nagpanggap na customer ang pangalan nina Perry Agustin, Mario Agustin, at Harold Agustin. Samantala,a ang ginamit naman na address ay address ng kaniyang kapitbahay.