Inihayag ni Megastar Sharon Cuneta ang kaniyang pagnanais na makita ang kaniyang panganay na anak na si KC Concepcion na magkaroon ng anak.
Noong Linggo, Abril 4, ibinahagi ni Sharon sa kaniyang social media ang kaniyang larawan kung saan kasama niya ang batang KC.
Panimula ni Megastar,
"On Easter Sunday, the year I turned 19, I became a mother for the first time to a princess we named Maria Kristina Cassandra."
Sinabi pa ni Sharon na kahit pa man Miyerkules ngayong taon ipagdiriwang ang kaarawan ni KC, siya pa din ang "Easter Baby" ni Sharon.
Sinabi pa ni Megastar na hindi na siya makapaghintay pa na makita ang kaniyang apo sa hinaharap.
"I miss you and you are always in my heart, Toot. I love you very much. Advanced Happy Birthday!
"I REALLY want grandbabies! Only if you want. Otherwise, I will wait 'til your siblings start popping them out! Ang tagal naman!"
Tinanong pa nga ni Sharon kung nais bang ikonsidera ni KC na gumamit ng surrogate at si Sharon na ang sasagot sa lahat.
"Can you consider a surrog4te? I mean - just gimme your eggs and I'll pick their poppa!
"Hehehehe... Tutal I will kill k1dn4p all your babies! No need to get married, just gimme your eggs cause sayang your genes! And I want heirs to our Vamp1re Empire
Pagpapatuloy niya,
"Sayang Mita's and our vampire blood! I'll do all the work! Hahahaha! No pressure.?!!! JOOOOKE! Naaaah not really. Hahaha! I love you baby girl."
Kasunod naman ng mensahe ni Sharon ay ang tugon ni KC sa comments section ng post ng kaniyang ina na si Sharon.
Simpleng saad ng aktres,
"Happy Easter Ma"
Matatandaan na binura na din ni Sharon ang unang online article na ibinahagi niya sa kaniyang social media account nito lamang.
0 Comments