Walang makakapantay na kahit ano sa pagmamahal na mayroon ang magulang para sa kanilang mga anak.
Gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para masuportahan ang kanilang pamilya at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Katulad na lamang ng ama na ito na halos maging kuba na para lamang masuportahan ang pangangailangan ng pamilya.
Sa kabila ng hirap na pinagdadaanan sa bukid, hindi pa din ito naging hadlang sa mapagmahal na ama na ito para hindi magpatuloy sa trabaho. Dahil sa pagtatanim ng palay, nagawa niyang pag-aralin ang kaniyang walong anak. Labis naman ang pasasalamat ng kaniyang mga anak sa lahat ng hirap at sakripisyo niya para sila ay mabigyan ng magandang buhay.
Isa sa kaniyang anak ay si Jovy Cataraja-Albite. Sa isang Facebook post, inihayag ni Jovy ang pasasalamat niya para sa kaniyang mga magulang. Ayon kay Jovy, kung wala ang suporta na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang mga magulang, hindi nila magagawang magkakapatid na matupad ang kanilang mga pangarap.
Si Jovy ang panganay sa walong magkakapatid. Hindi naging madali ang kanilang buhay dahil na din sa kahirapan. Gayunpaman, tinuruan siya ng kaniyang magulang na maging masipag at matiyaga para mabigyan nila ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Ang kaniyang magulang ay parehas na magsasaka.
Sa tulong ng pagsasaka, unti-unting napag-aral ng ama ang kaniyang mga anak. Sa kabila ng s4kit na nararanasan sa kaniyang likod dahil sa pagtatanim sa bukid ng maghapon, hindi ito naging hadlang kay Tatay para suportahan ang kaniyang mga anak. Sa huli, matagumpay niyang napag-aral hanggang kolehiyo ang kaniyang walong anak.
Si Tatay ay mayroon na ngayong mga anak na makakapagtapos ng iba't ibang kurso. Isa ay nurse, pulis, architect, marine, accounting staff, civil engineer, teacher, at nautical. Talaga nga namang nakakahanga at nakakamangha kung paano nabigyan ni Tatay ng magandang kinabukasan ang kaniyang pamilya.
Ngayon na matanda na si Tatay, lahat ng kaniyang mga anak ang siya ng nag-aalaga sa kanila at binabalik ang sakripisyo na ginawa nila sa kanila noon. Wala na din silang bigat na pinapasan dahil lahat ng kaniyang mga anak ay matagumpay na. Saad ni Jovy, utang nila ang magandang buhay na mayroon sila ngayon sa kanilang magulang.
Talaga nga namang isang inspirasyon ang kwento na ito sa marami dahil sa sakripisyo at hirap ng mga magulang at ang kanilang walong anak ay hindi sinayang ang sakripisyo at pera ng kanilang magulang.
0 Comments