Kamakailan lang ay inulan ng batikos ang aktor na si Jeric Raval mula sa mga tao na hindi matanggap ang status ng kaniyang buhay. Ito ay dahil sa pagkakaroon niya ng labinwalong anak sa iba't ibang mga babae sa edad na 45.

Ngunit, inamin naman ni Jeric na ito ay kasalanan niya.

Pagbabahagi ng dating action star,

"Kung huhusgahan nila ako dahil lang nagkaroon ako ng anak na labinwalo, what more yung mga nagkaanak ng 88?"



Sinabi ni Jeric na hindi niya pinagsisisihan ang pagkakaroon ng 18 na ank. Ngunit, inamin niya na kung maaari lamang maibalik ang panahon, sinabi niya na hindi siya mambababae at hindi siya mag-aanak ng marami.

Aniya,

"Kung maibabalik ko yung panahon, hindi ako mag-aank ng marami. Hindi ako mambababae. Feeling ko nga, ako si James Bond that time. Yun ang hindi ko daraanan ulit."

Sa kaniyang exclusive interview sa Cabinet Files ng PEP.ph, pinagtapat niya na may pagkakataon na nasasaktan siya sa tuwing mayroong hinihingi ang kaniyang anak sa kaniya na hindi niya maibigay dito.



Pagbabahagi niya,

"Hindi naman ako milyonaryo, hindi naman ako mayaman, tama lang. May mga anak kasi ako na minsan, kapag may hinihingi na isang bagay at hindi ko naibigay, masyado kong dinaramdam."

Dagdag niya,

"In fact, may isa akong anak, humihingi sa akin ng sasakyan. Nagpapabili ng sasakyan. Hindi ko naman maibigay agad, nalulungkot ako. Syempre, nakikita nila yung mga anak ko kay Day na may mga sasakyan. Naaawa naman ako sa iba kapag nakikita nila."

Si Jeric ay mayroong apat na anak sa kaniyang asawa na si Holiday Buensuceso.



Tinanong din si Jeric tungkol sa pangalan at edad ng kaniyang mga anak.

Sinabi niya na ang panganay na anak niya kay Holiday ay 28-anyos na samantalang ang bunso naman ay 12 taong gulang pa laman.

Isa ay nasa New York, ang isa ay nasa Japan, habang ang tatlo ay kasama naman ni Monica Herrera.

Si Monica Herrera ay dating aktres na naging leading lady ni Jeric sa ilang palabas nito.