Hindi maipapagkaila na si Karla Estrada at ang anak nito na si Daniel Padilla ay isa sa mga kilalang personalidad sa showbiz industry. Ngunit, pinukaw ng kapatid ni Daniel na si Magui Ford ang atensyon ng mga netizens dahil sa kaniyang ganda.

Bagama't hindi pinasok ni Magui ang mundo ng pag-aartista at mas piniling lumayo sa showbiz limelight, marami namang mga netizens ang humahanga sa kaniya dahil sa taglay niyang ganda.

Sa kaniyang angelic face, balingkinitan, at makinis na kutis, hindi na nakakapagtaka kung bakit patuloy na dumadami ang kaniyang followers sa social media at mga tagahanga.


Maging ang mga OOTD's ng dalaga ay kahanga-hanga din.

Katulad ng kaniyang ina na si Karla, si Magui ay mestiza din at mayroong pagkakahawig sa ama na si Mike Planas. Kagaya ng mga Pinay at kabataan ngayon, siya ay mahilig din sa mga Koreanovelas kaya naman siya ay madalas na bumibisita sa bansang South Korea.

Siya ay mahilig din mag-travel na madalas niyang ibinabahagi sa kaniyang social media account. Siya ay nakarating na din sa Osaka, Japan kasama ang kaniyang pamilya para magbakasyon.



Mayroon ding mga kaibigan si Magui na nasa showbiz industry katulad ni Cassey Legaspi at Julia, ang nag-iisang anak ni Richard Gomez at Lucy Torres.

Noong ika-18 kaarawan naman ni Magui, isang heartwarming message ang iniwan sa kaniya ng Kapamilya momshie na si Karla.



Aniya,

"Thank you anak, for always making me proud."

Si Magui ay isang mapagmahal at supportive na anak at kapatid. Siya ay playful din at minsan ay nag-iiwan ng palabiro sa kaniyang mga larawan.


Kahit pa man si Daniel at Magui ay magkaiba ng ama, hindi ito naging hadlang para maging malapit ang dalawa sa isa't isa. Napaka-protective din ng aktor kay Magui at sa iba pa niyang mga kapatid.

Sa ngayon ay wala pa namang balak si Magui na pasukin ang showbiz industry.