Talagang kapansin pansin ang pagiging masaya at kuntento ng aktres na si Nadine Lustre sa kaniyang simpleng pamumuhay sa isla ng Siargao.

Sa mga nagdaang panayam kay Nadine, inihayag niya na noong unang beses pa lamang siyang nagpunta sa Siargao ay napamahal na kaagad siya dito. Nabighani din daw siya sa ganda at simpleng pamumuhay na mayroon sa isla at kung mayroon nga lamang daw siyang choice ay ayaw na daw niyang umuwi pa sa syudad ng Maynila.

Saad niya,

"It’s just that as soon as we arrive I already had this feeling na parang, ‘Man, you know, I don’t want to leave.’ Because it’s close to nature. There’s mountain, there’s the beach. You can hike there anytime you want. It’s just the perfect place for me to live in."


Dagdag pa ng aktres,

"As soon as I got there, I was already telling my friends like, ‘You know what? I feel like I don’t want to leave. I feel like I want to live here.’ And then fast forward to a couple of months, it happened."

Kaya naman masayang masaya si Nadine dahil matapos lamang ang ilang buwan ay nagtuloy tuloy na ang kaniyang pananatili sa isla. Sa katunayan nga niyang ay isa siya sa mga personalidad na nagbigay ng tulong sa mga lokal doon nang manalasa ang ba6yong Odette sa naturang lugar.


At kamakailan lamang ay muli na namang nakatanggap ng paghanga at pagpuri mula sa mga netizens si Nadine dahil sa kaniyang kasimplehan.

Sa larawan niya kasi na kumalat sa social media ay makikita ang dalaga na game na game na nagpa-picture kasama ang kaniyang mga fans habang siya ay nakapaa lamang at may putik pa ang paa.


Ngunit tila ito ay hindi alintana kay Nadine dahil makikita ang masayang ngiti niya sa camera habang nagpapa-picture ang kaniyang mga tagahanga.