Ikinagulat ng maraming netizens ang balita na namaalam na ang isang sikat na vlogger na si San H.

Si San H. ay kilala sa mga social media platforms na Facebook at YouTube dahil sa kaniyang mga prank at nakakatawang content.

At nito lamang nga ay isang malungkot na balita ang bumungad sa mga netizens tungkol sa pagpanaw ng nasabing vlogger.

Ayon sa source, si San H. ay ni-rescue mula sa pagkalunod sa isang resort. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na nailigtas pa ang vlogger at tuluyan na ngang namaalam.


Base sa mga posts sa social media, hindi pa umano matukoy ang tunay na dahilan ng pagkalun0d ng nasabing vlogger.

Isang netizen naman ang nag-komento at sinabing nalunod umano si San H. sa Enchanted River sa Surigao.

Marami naman sa mga kakilala at fans ni San. H ang nagpahayag ng kanilang pakikiramay para sa naulilang pamilya ng kilalang vlogger.


"Halaa .. lagi namin ponapanood ng anak ko mga videos nya 🥺 Rest in paradise San H .. Salamat sa mga nkakatawa mong videos,marami kang napasaya bago mo iwan ang mundong ito 🙏💖"

"😭😭😭ohhh my god nag aabang pa acue ng bagong video nya grabe nmN wala na ung nagpapatawa samin mag asawa mamimiss nmin ung nagpapatawa mo condolence idol San H😭😭😭"

"Rest in peace San H. 🙏nakakalungkot naman lagi p nmn akong nanonood sa mga blog nya!"

"nagulat ako dito ah.. sayang marami pa sanang pasasayahin na mga tao to.. salamat sa pag papasaya mo sa mga tao idol. lalo pat stress mga tao ngaun sa pandemic... R.I.P idol.."


"Subrang nakaka lungkot talaga kz follower nya ko at NAPAKA HUMBLE Ng taong Yan rip San h😭😭😭😭 Ang daming napapasayang tao diosko po napaka bata mo pa para iwan Ang Mundong ito😭😭😭😭"

Kaugnay nito, may ilang nagsasabi na tila nagkatotoo umano ang hula ni Rudy Baldwin sa mga predictions na kaniyang nilabas ngayong 2022. 

Matatandaan na sinabi ng online psychic na may ilang mga artista at vloggers na mamaaalam sa taong 2022.