Nagsalita na ang chief of staff ni Kris Aquino tungkol sa mga balitang kumakalat sa social media na puman4w na diumano ang actress-TV host.

Nagsimulang maging usap-usapan ang spekulasyon na ito tungkol kay Kris nang mapansin ng marami na January 11 pa ang huling post ng aktres sa kaniyang social media account na mahigit isang linggo na ang nakakalipas.

Ayon sa ulat mula sa Bandera Inquirer, nakapanayam nila ang chief of Staff ni Kris Aquino na si Alvin Gagui upang tanungin kung kamusta na si Kris at kalagayan nito ngayon.


Napagdesisyunan ng Bandera Inquirer na kamustahin at suriin si Kris matapos makatanggap ng maraming tawag na nagsasabing wala na umano si Kris. Dagdag din ng Bandera Inquirer na nilinaw pa nila sa mga ito kung ano ang ibig sabihin nila nang sabihin nilang "Wala na," sa pag-aakalang si Kris ay pumunta na ng States para sa kaniyang pagpapagam0t.

Ngunit ang tao na tumawag sa kaniya ay sinabi na pum4naw na umano si Kris kaya naman kaagad tinawagan ng Bandera Inquirer si Dindo Balares na malapit na kaibigan ng aktres.


Sinubukan nilang tawagin si Dindo ng ilang beses ngunit hindi wala pa din sumasagot sa kanila. Kaya naman hindi nila mapigilan na mag-alala tungkol sa sitwasyon at kalagayan ngayon ng TV host.

Mabuti na lamang din at nang tawagan nila si Alvin, ang chief of Staff ni Kris, ay kaagad nitong sinagot ang tawag. Agarang tanong nila dito, "Kamusta si Madam?"

Sagot naman ni Alvin, "Okay naman. Nagpapahinga, bakit?"


Binanggit din ng Bandera Inquirer kay Alvin ang tungkol sa fake news na kumakalat na wala na umano si Kris.

Sagot ni Alvin, "Okay naman nagpapahinga siya. Heto marami ngang pinagagawa pa."

Dito ay natanong din nila si Alvin kung totoong pupunta sila sa US kung saan sinagot ito ni Alvin at sinabing, "inaayos pa, may mga inaayos pa."

Alam natin na hindi na problema ang pera para makapunta si Kris sa States para magpagamot. Ngunit, ang problema lamang nila na kinakaharap ngayon ay ang mga protocols. Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na hindi madali ngayon ang magpunta sa ibang bansa, lalo na at patuloy na dumadami ang kas0 ng Omicron.

Maliban pa diyan, nabanggit din ni Cristy Fermin na maraming tao ang nagtutulong tulong para maayos na ang mga papers, dokumento, at requirements na kakailanganin ni Kris para makapunta ng United States.