Lahat talaga ng pangarap sa buhay ay maaari nating matupad kahit sa hirap ng ating pinagdadaanan o di kaya ay sa mga problema na ating kinakaharap basta lamang ay lalakipan natin ito ng pagsusumikap. 

Katulad na lamang ng child star na si Ryzza Mae Dizon na sa murang edad ay natupad na niya ang isa sa kaniyang mga pangarap, at iyon ay ang mabigyan ng sariling bahay ang kaniyang pamilya.

Nagsimulang makilala ng publiko si Ryzza noong siya ay sumali sa segment ng longtime running noontime show na Eat Bulaga na 'Little Miss Philippines' kung saan ay nagawa niyang iuwi ang titulo na Little Miss Philippines noong 2012.


Dahil sa kaniyang cuteness, charm, at natural na pagpapatawa, kinuha siya ng naturang show para maging batang co-host. Mas lalo pang minahal ng mga manonood si Ryzza dahil bukod sa kaniyang pagiging bibo ay kitang kita sa kaniya ang pagmamahal na mayroon siya para sa kaniyang mga magulang.

Kalaunan ay nagkaroon din ng sariling show si Ryzza ang "The Ryzza Mae Show." Maliban pa diyan, sa edad na 7 ay nabigyan din kaagad ng iba't ibang proyekto si Ryzza katulad na lamang ng mga movie films, TV commercials, TV guesting, at marami pang iba. 


Kaya naman hindi maipagkakaila na malayo na ang narating ng showbiz career ni Ryzza.

Dahil dito, hindi na din nakakapagtaka na unti-unti na niyang naisasakatuparan ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Sa katunayan nga niyan ay masaya at proud na ibinahagi ng child star na sinimulan na niyang ipinapatayo ang kaniyang dream house para sa kaniyang pamilya sa Pampanga. 


Sa kaniyang Instagram account, nag-upload si Ryzza ng larawan kung saan makikita ang bahay na kaniyang ipinapatayo para sa kaniyang pamilya.

Aniya sa caption ng post,

“Under construction na po ang aming dream house!!! Thank you po Lord sa blessing na ito.”

Sa murang edad ni Ryzza ay nagagawa na niyang matupad ang kaniyang mga pangarap sa buhay.