Si Shana Marie Gamboa o kilala din sa social media bilang "Rosemarie Catidral" na isang Pilipina na nagtrabaho ng anim na taon sa Dubai ay nag-aalok ng isang nakakagulat na kontrata nang siya ay bumalik sa Pilipinas.
Nais niyang magkaroon ng baby pero ayaw niyang makasama ang lalaking makakabunt1s sa kanya pagkatapos ng kontrata.
Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Shana na nais na niyang magkaroon ng anak at naghahanap siya ng lalaki na magsasakatuparan ng kaniyang pangarap. Siya din ay seryoso nang sabihin niya na magbabayad siya sa maswerteng lalaki na tatanggap sa kaniyang nais.
Ang nasabing post ni Shana ay mabilis na nag-viral sa social media at marami ding mga lalaki ang nagpahayag ng kanilang interes dito. Umabot na ng libo-libong likes, comments, at shares ang naturang post.
Ang kwalipikasyon naman dito ay napakadali lamang. Una, kailangan ay mayroon kang abilidad na mabigyan siya ng anak. Pangalawa, dapat ikaw ay isang magandang lalaki din at huli, dapat mong tanggapin na pagtapos ng kontrata ay hindi mo na makikita ang bata kahit kailan kahit pagkatapos ng labor.
Kung marami ang natuwa at nagpahayag ng interes sa nais na ito ni Shana, siya ay nakatanggap din ng batikos sa ilang mga netizens at tinawag siyang desperado at 'immoral' na nais lamang na magkaroon ng baby para sa kaniyang sariling kagustuhan. Saad din ng ilan na kung nais talaga ni Shana na magkaroon ng anak ay dapat ay mag-adopt na lamang siya.
Narito ang ilan komento mula sa mga netizens:
"She's very very stup1d girl hindi biro magka anak at madami siya responsibilites pag nagka anak na prang humihingi siya ng alagang dog at cat tsk... tsk... tsk... grabe ka ineng baliko ang pagisisip mo"
"Nagpapapansin lang yan 😅😅 wla na sa katinuan yan 😅😅😅"
"alam ba yan ng magulang mo ineng?"
0 Comments