Nito lamang ay ipinagdiwang ng butihing ama ni Derek Ramsay ang kaniyang kaarawan. Bukod sa kanilang simpleng handaan sa bahay, isang simpleng birthday dinner ang inihanda ng newly wed couple na sina Derek at Ellen Adarna kung saan imbitado ang ilan sa kanilang malalapit na kaibigan.
Nagbigay din ng madamdaming mensahe sina Derek at Ellen para sa may kaarawan.
Saad ni Ellen sa caption ng kaniyang social media post,
"Happy birthday to my kind, beautiful, wonderful and ever reliable Mom… Tita… Mom Tita? Aunt Mom? Mom? Hehehe I’m not used to it yet. Momomomomom. i am so lucky to have you... becuase... takot na takot si derek sayo nyahahahaha #mothersknowbest"
Habang si Derek naman ay nagpaabot din ng pagmamahal sa kaniyang ina.
Aniya,
"Happy happy birthday Mama. You are the strongest and most loving person I know. Thank you for being the ultimate mom. Love you so much."
Bahagyang naging emotional naman ang ina ni Derek nang icelebrate na ang kaniyang kaarawan. Siya ay nagpasalamat din kina Derek at Ellen para sa paghahanda ng intimate dinner party para sa kaniya.
Sina Ellen at Derek ay nagpakasal noong Nobyembre 11 sa Rancho Bernardo Luxury Villas sa Bagac, Bataan.
Nang magpalitan sila ng mga vows para sa isa't isa sa kanilang kasal, naging emosyonal si Ellen nang sabihin niya kay Ramsay kung paano siya naging perpekto para sa kanya.
Aniya,
"There is no perfect person. It’s just the one that I choose, the one that’s worth fighting for. And it’s you."
Samantala, ibinahagi naman ni Derek ang dahilan kung bakit naisip na niyang mag-propose kay Ellen kahit wala pang isang taon ang kanilang relasyon.
Saad ni Derek,
"I have no doubts when it comes to our relationship. I have no doubts with what I feel for you and Elias. Despite the speed of everything, I have never been so sure about my life. I have fallen so deeply in love with you."
0 Comments