Naging viral sa social media ang isang video mula sa Bolivia tungkol sa ginawa ng mister na ito sa pagbulgar ng itinatagong lihim ng kaniyang asawa.
Labis na nasaktan ang mister matapos mapag-alaman na ang bata pala na dinadala ng kaniyang misis sa sinapupunan nito ay anak nito sa kaniyang kaibigan.
Sa kanilang ginagawang baby shower, isang abogado pa ang kasama ng mister na siyang nagpakita ng mga dokumento na magpapatunay na mayroong relasyon ang kaniyang misis at ang kaniyang kaibigan.
Maliban sa video kung saan kuha na may ginagawa ang kaniyang misis at ang kaniyang kaibigan habang nakatapis lamang ng twalya ang kanilang katawan, mayroon ding hawak na pregnancy test ang mister na siyang magpapatunay na anim na buwan ng buntis ang kaniyang misis at hindi apat na buwan.
Napakas4kit para sa asawang lalaki ang makita at madiskubre na nagtataksil sa kaniya ang kaniyang asawa. Ang mas mas4kit pa dito ay ipinaako pa sa kaniya ang bata na bunga ng pagtataksil ng kaniyang asawa at kaibigan.
Matapos ang ginawang rebelasyon ng asawang lalaki sa mismong baby shower ay kaagad itong umalis sa event at iniwan ang kaniyang asawa na nagmamakaawa sa kaniya.
Nakatikim din ng sap4k, t4dyak, at hinagisan pa ng pagkain sa mukha ang kaniyang kaibigan dahil sa pagsira na ginawa nito sa kanilang pamilya.
Napakasakit ng pangyayaring ito, lalo na para sa pwesto ng mister. Maaaring kahit anong pag-uusap ang kanilang gawin, pribado man ito o sa publiko, hindi na mababago pa ang katotohanan na nagtaksil ang kaniyang misis at hindi man lang inisip ang mga bagay na maaaring mawala at masira dahil sa kaniyang ginawa.
Gayunpaman, mas mabuti din na nalaman kaagad ng mister ang lahat tungkol dito bago pa isilang ang bata. Hindi lamang niya naprotektahan ang kaniyang sarili kundi maging ang batang dinadala ng kaniyang asawa mula sa kasinungalingan nito.
0 Comments