Para kay Kim Whamos Cruz, talagang napaka-swerte at maituturing niyang true love ang nararamdaman niya para sa kaniyang kasintahan na si Antonette Gail Del Rosario.

Si Kim Whamos Cruz ay unang nakilala ng publiko noong siya ay nag-audition sa entertainment show ng ABS-CBN, ang "Idol Philippines" noong 2012 ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya nanalo dito.

Gayunpaman, nakuha naman niya ang puso ng mga netizens dahil sa kaniyang natural na pagpapatawa.

Bukod pa diyan, mas lalo niyang napukaw ang atensyon ng marami nang ibahagi niya ang isang video sa kaniyang social media account kung saan ay inihayag niya na nakuha na niya ang matamis na oo ng kaniyang girlfriend na si Antonette.



Sa kaniyang official Facebook post, ibinahagi niya ang kaniyang vlog kung saan makikita na nagpatulong siya sa kaniyang kaibigan para madisenyuhan ang kaniyang kwarto para sa plano niyang ligawan si Antonette Gail.

Ngunit, kung marami ang kinilig at humanga sa kanilang pag-iibigan, may ilang netizens naman ang bumatikos sa kanilang relasyon at sinasabi na pera at kasikatan lamang umano ang habol ng babae sa kaniya. 



Hindi naman pinapansin ng magkasintahan ang sinasabi ng iba tungkol sa kanilang relasyon. Bagkus ay nagpatuloy lamang sila at ngayon ay patuloy ngang tumatatag ang kanilang relasyon.

Sa kanilang mga bagong post na larawan at mga video, pinatunayan nina Whamos at Antonette sa publiko na tunay ang pag-ibig nila para sa isa't isa.

At kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang bagong video ng dalawa kung saa napaka-sweet nila sa isa't isa.



Makikita din sa nasabing video na habang natutulog si Whamos ay nakapatong ang kalahating katawan ni Antonette dito at binibigyan si Whamos ng matamis na halik nang gisingin niya ito.

Kaagad na namang kumalat sa social media ang nasabing video ng dalawa at umani ng iba't ibang komento at reaksyon mula sa mga netizens.