Wala na sigurong mas nakaka-kaba at sasakit pa kung ikaw ay imbitahan sa kasal ng iyong dating kasintahan, ngunit may mas hihigit pa sa nerbiyos na naramdaman ng paring naatasan na magbigay ng homilya sa kasal. Ngunit ito ay hindi lamang basta kasal dahil ito ay kasal ng kaniyang ex-girlfriend!

Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang video na ibinahagi ni Father Roniel El Haciendero.

Sa kaniyang YouTube vlog, naging content niya ang kasal nina Manuel at Korina. Bago ilathala ang video, sinabi niya na binigyan siya ng consent ng bagong kasal para sa nasabing video.


Sa naturang video, nagbigay ng homily sa misa si Fr. Roniel kung saan ibinahagi niya ang nakaraan nila ng bride na dati pala niyang kasintahan.

Habang nagsasalita, sinabi ni Fr. Roniel na sa kasal lamang siya na 'yon pinagpawisan at kinabahan sa dami ng kasalan na kaniyang nahawakan.

Ngunit matapos mag-viral ang naturang video, isang kwento naman ang lumabas ukol kila Korina at Father.


Ayon sa kwento, hindi pala pagpapari ang tunay na pangarap ni Fr. Roniel kundi maging isang doktor.

Ngunit, nagdesisyon siyang pumasok sa seminaryo dahil siya ay nabigo sa kaniyang greatest love.

Sampung taon umanong naghintay si Father sa babae na kaniyang pinakamamahal. Sila ay nagkahiwalay dahil kinailangang pumunta ng dalaga sa ibang bansa. 

Gayunpaman, sa kabila nito ay nagkaroon pa din sila ng pangakot sa isa't isa na siya ay maghihintay para sa muling pagbabalik ni Korina. Pinangako din niya sa kaniyang sarili na siya ay magpapari na lamang kapag hindi na bumalik ang kaniyang nobya.


Hanggang sa eksaktong araw pagpatak ng sampung taon ng kaniyang paghihintay ay bumalik nga ang dalaga ngunit ito ay para ayusin na ang kasal niya sa ibang lalaki.

Ngunit ang pinaka highlights dito ay si Father mismo ang nagkasal sa kaniyang babaeng pinakamamahal.