Hindi maipagkakaila na isa ang bahay ni Kris sa pinakamaganda, engrade, malaki, at maaliwalas na bahay sa mga personalidad sa showbiz industry. Madalas ipinapakita ni Kris ang kaniyang bahay sa publiko tuwing mayroong shoot ang kaniyang online show episode.
Kapansin-pansin din sa bahay ni Kris na ikaw ay nasa a home araw from the busy metro kapag ikaw ay nanirahan doon.
Silipin natin ang mga parte ng bahay ni Kris na talagang mapapanganga at mamangha sa ganda nito.
Saad ni Kris na ang kulay ng kaniyang front door ay ang siyang paborito niyang kulay at mabuti na lamang din daw at pinayagan siya ng kaniyang mga anak na gawing ganoong kulay ang kanilang pinto.
Sa kanilang dining area naman ay makikita ang magandang puting table na may napakagandang carving. Nakalagay din sa dining area ang malaking TV na nakakonekta kaagad sa YouTube.
Mayroon ding isang grand piano, isang itim na dining table, at mga game table na Pirates of the Carribean at Pac Man ang makikita malapit sa dining area.
Mga aparador na lagayan ng mga produkto, isang malaking TV, at shampoo bowl naman ang makikita sa loob ng beauty room ng bahay ni Kris.
Saad ni Kris, kinonvert na lamang ang kaniyang beauty room sa study area ni Bimbyd ahil kapag may mga pagkakataon na kailangan na siyang make-upan ay hindi pa tapos ang homeschool ni Bimby.
Isang malaking swimming pool ang makikita malapit sa living room. Sila ay mayroon ding Hot Tub na gustong guto ni Kris dahil ito ay nagpapalit ng ilaw kapag gabi.
Makikita ang dalawang single bed sa kwarto ng mga anak ni Kris. Mayroon ding isang malaking telebsiyon at sofa bed dito. Mayroon ding walk-in closet na puno ng mga damit ang makikita sa loob ng kwarto nina Josh at Bimby.
Ang kanilang banyo naman ay may locker room inspired ang disenyo. Siula din ay may sariling bath tub sa loob.
Ang bahay nila Kris ay mayroong malaking entertainment area kung saan may mga video game machine, pantry o lagayan ng mga pagkain, at malaking TV.
Ang kitchen ni Kris ay talagang napakalaki at sobrang linis. Mayroon din ditong isang malaking aparador kung saan nakalagay ang kaniyang koleksyon ng tea cups, isang malaking ref, at magagandang gamit panluto.
Ayon kay Kris, mas pinili niya na maging open o kita ang loob ng mga cabinet upang makita niya agad kung ito ba ay nilinis ng maiigi.
Puno naman ng mga produkto na kaniyang ginagamit ang malaking banyo ni Kris. Ito ay mayroon ding malaking bath tub kung saan mayroong nakaharap na TV.
0 Comments