Proud na ibinahagi ng Kapuso star na si Nadine Samonte ang kaniyang dried fish business at tinawag ang kaniyang sarili bilang bagong Dilis at Danggit Queen.

Ayon kay Nadine, ang dried fish at unsalted danggit ang isa sa mga paboritong niyang pagkain kahit noon pa man na siya ay wala pa sa showbiz industry. Maging ang kaniyang anak na si Heather ay nakuha din ang kaniyang pagkahilig sa pagkain nito.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang mga produkto na ibinebenta niya online.


Saad niya sa caption ng post,

 “Yes we sell dried fishes na din. You know why? Nung nakatikim ako nito super sarap why? Actually matagal nko bumibili nyan and lagi kami (meron) dito sa house kasi (fave) din ni Heather ang danggit and dilis.”

Dagdag ng StarStruck alumna, ang mga seafoods na kaniyang ibinebenta katulad ng mga danggit, small dilis, sweet pusit, palad flaes, big dilis boneless ay mga "fresh at unsalted from Masbate."

Ang kanilang mga supply ng danggit, dilis at iba pang mga dried foods ay nagmula pa sa Masbate.


Aniya,

"Alam kong pinaghirapan hulihin ng mga fishermen at ibilad at alam ko matrabaho ito, and I think iyon iyong special about these dried fishes.”

Pagbabahagi ni Nadine, naisipan niyang magsimula sa pagnenegosyo ng mga dried fish noong siya ay tanungin ng kaniyang helper kung nais niyang magtinda ng mga ito. Bukod pa diyan, mahilig din siyang kumain ng mga dried fish.

“Kasi bihira talaga iyong makakatikim ka ng masarap, ‘tapos hindi maalat. So, I told our helper to tell her ate I wanted to try to sell these dried fishes. And doon nag-start.”


Saad pa ng aktres ay hindi niya ikinahihiya ang pagbebenta ng mga dried fish.

“Hindi ako nahihiya na magbenta ng ganito kasi sa panahon ngayon kelangan natin maging madiskarte and hindi nakakahiya kasi masarap talaga??”

Ayon sa aktres, tinawag din daw siya ng kaniyang asawa bilang "new D&D (Danggit at Dilis) queen of the South."

Sa ngayon ay determinado si Nadine na mapalago pa ang kaniyang munting negosyo upang makapagbigay din ng tulong sa kaniyang kapwa na patuloy na nagsusumikap ngayong pand3miya.