Naging usap-usapan sa social media kamakailan lamang ang balita na hanggang ngayon pala ay "Sir Wil" pa din ang tawag ng aktor na si Joem Bascon sa ama ng kaniyang partner na si Meryll Soriano na si Willie Revillame.
Sa tuwing sila ay dumadalaw ni Meryll kasama ang apo ni Kuya Wil na si Guido, labis umano ang kasiyahan na nararamdaman ng TV host.
Sa isang panayam sa DZRH, pagbabahagi ni Joem,
"Dumadalaw kami kay Sir Wil, lagi naming dinadala si Guido sa kaniya. In passing, nakakamusta niya ako. Gigil na gigil siya kay Guido."
Pagpapatuloy pa ng aktor,
"Ang saya ko lang na nakakapagbigay ligaya si Guido, hindi lang kay Sir Wil kundi sa family naming Meme (tawag nito kay Meryll), kay ate Maria...kay Ms. Maricel."
Nang tanungin si Joem kung kailan siya magiging handa na tawaging "Daddy" si Willie, nahihiyang sagot nito,
"Hindi ko po alam eh. Kasi nasanay na akong Sir Wil talaga 'yung tawag ko sa kaniya. Ever since, 'yun talaga ang tawag ko, kahit makikita ko siya anywhere, Sir Wil talaga ang tawag ko. Nasanay kasi ako na ganun. I don't know kung kailan, hindi ko pa po masasabi ngayon."
Pag-amin pa ni Joem na hanggang ngayon ay nasta-starstruck pa din siya sa tuwing nakikita niya si Kuya Wil.
Dagdag niya,
"Alam mo 'pag nakikita ko si Sir Wil na-starstruck parin ako sa kaniya eh. Talagang napakabait nung tao, ang dami nang nagawa, narating at natulungan."
Saad ni Joem, sa ngayon ay ine-enjoy at mas naka-focus sila ni Meryll sa pag-aalaga sa kanilang anak na si Guido.
Pagdating naman sa usaping kasalan, sinabi ng aktor na hindi pa nila ito napag-uusapan ni Meryll ngunit alam nilang dalawa na sa kasalan pa din ang tungo ng kanilang relasyon. Saad pa niya na dadating din sila sa punto na pag-uusapan na nila ang kanilang wedding plans.
Sa ngayon ay nagpapasalamat si Joem dahil sa kabila ng pand3miya ay hindi siya nawalan ng trabaho at abala din siya sa kaniyang series na 'The Other Wife" sa iWant TV kung saan kasama niya dito sina Rhenn Escano at Lovie Poe. Ito ay mapapanood sa KTX.Ph, iWant TFC, at Vivamax.
0 Comments