Kinaaliwan ng publiko ang bata na ito mula sa Cebu City dahil sa isang motorbike na kaniyang natanggap ngunit pagkagulat na lamang ang reaksyon ng kaniyang magulang dahil ito ay in-order niya online nang hindi nila nalalaman.

Sa panahon ngayon, marami sa mga eksperto ng gadgets ang patuloy na nagpapayo sa mga magulang na limitahan ang kanilang mga anak sa paggamit ng smartphones dahil maaaring aksidente nilang mapindot ang mga application na hindi pamilyar sa kanila at gumawa ng bagay na hindi inaasahan.

Isa sa mga pangkaraniwang problema na nakakatagpo ng mga magulang ay ang hindi sinasadyang pag-order online. Katulad na lamang ng karanasan ng mga magulang na ito matapos um-order ang kanilang anak online.



Ayon sa post ng Facebook page na 'Wanna Make Viral', um-order umano ang batang lalaki na ito ng motorbike para sa mga bata online gamit ang cellphone ng kaniyang magulang.

Ayon sa post, um-order umano ang bata ng isang motorbike na nagkakahalaga ng P2,500 o mas mataas pa doon sa isang online selling platforms. Sa mga larawan na ibinahagi ng nasabing page, makikita na masama ang loob ng kaniyang magulang at ng kaniyang lola dahil ang pera na para sana sa kanilang "Media Noche" ay nawala.



Ani ng ina sa caption ng post,

"Wala na finish nah. Dumating na eh, ano pang magagawa namin..! Hay dios ko! Wala na kaming pang new year nito! Sino ba naman mag aakala! Hay para kaming nabud0l nito!"

Wala din naman silang nagawa kundi bayaran ang nasabing package dahil ayaw din naman nila na hayaan ang rider na magbayad sa nasabing parcel at para na din maiwasan ang problema o abala pa kung nais nila itong ibalik o i-refund.

Makikita din sa mga larawan kung gaano kasaya ang bata sa kaniyang bagong laruan.