Marami sa ating mga kababayan ngayon ang nawalan ng trabaho, hanapbuhay, at maging negosyo dahil sa pand3miya na patuloy na umiiral sa buong mundo. 

Gayunpaman, sa kabila ng problemang kinakaharap natin, karamihan sa atin ay gumagawa ng diskarte upang kahit papaano ay kumita pa din ng pera para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Dahil sa pand3miya, naging patok ngayon ang pagdedeliver kung saan ay hindi na kailangan pang lumabas ng mga customer ng kanilang bahay upang bumili ng kanilang pangangailangan dahil sila ay maaari nang umorder ng kanilang mga nais sa mobile applications na nauuso na ngayon.


Ngunit, nakakalungkot lamang talagang isipin dahil sa kabila ng pagsusumikap at pagtitiyaga ng ilan sa ating mga kababayan ay may ilan pa din na gumagawa ng hindi maganda sa kanilang kapwa.

Naging viral sa social media kamakailan lamang ang isang Food Panda Cyclist matapos nakawin ang kaniyang bike na ginagamit niya mismo sa pagtatrabaho.


Ayon kay Kuya Rider, kumukuha umano siya ng order sa isang fast food chain noong mga oras na iyon nang bigla umanong tangayin o kuhanin ang kaniyang bisikleta na nakagarahe sa labas. Sinubukan umanong habulin ni Kuya Rider ang kawatan ngunit sa kasamaang palad ay hindi na niya ito naabutan pa dahil sa bilis ng patakbo nito.

Wala ding masyadong tao noong mga oras na iyon kaya wala din nakapigil sa kawatan sa pagtakas nito at marami din itong dinaanan na mga pasikot-sikot dahilan para ito ay hindi na niya tuluyan pang mahabol.

Dahil sa pagod sa paghabol sa kawatan at pagdedeliver maghapon, napaupo na lamang si Kuya Rider sa kalsada at napaiyak sa panlulumo.

Aniya,

"Bakit ako pa lumalaban naman ako ng patas, hindi naman ako nang aagrabyado ng tao, bakit ako pa?"

Samantala, maraming netizens naman ang nadurog ang puso sa nangyari kay Kuya Rider at hiling nila ay sana may mga mabubuting puso ang tumulong kay Kuya Rider.